
Interesting para sa Diamond Star na si Maricel Soriano ang bago niyang proyekto sa Star Cinema at kay Direk Chito Rono nu’ng una niyang mabasa ang script ng T2 na ipapalabas na sa April 11. Hindi ito ang unang horror-suspense-thriller na pinagsamahan nila ni Direk Chito. Pero habang dumaraan daw kasi ang panahon mas maraming pagbabago ang nagaganap. “I want something new,” sagot ni Maricel kung bakit isang horror movie ang next film assignment niya sa Star Cinema. “Kasi sabi po, parang interesting ‘di ba, sabi ni Wyng (her manager Wyngrad Tracy). Alam mo ‘yan din ang gusto kong sabihin, interesting din. ‘Di ba parang kakaiba siya? Although, hindi ’yung masasabing, ‘yung kakaiba pero paano ba ’yung explanation na ‘yun? Hindi naman bago ang engkanto ‘di ba? Pero for some reason iba ‘yung pagkabasa namin at alam namin kapag si Direk iba ‘yung execution. Si Direk Chito would always explain kung paano ‘yung attack nu’ng pelikula, ‘yung story telling na ginawa, ‘yan. ‘Yan ang talagang hindi naman siya mae-excite kung gagawa siya ng pareho lang ‘di ba?”
Parang engkanto rind aw si Maricel dahil parang hindi tumatanda ang beauty niya. May beauty regimen ba siyang sinusunod? “Ayaw ng balingkinitan kong body,” biro ni Maricel. “Pumayat na kasi nga nagsho-shooting. Takbo kami ng takbo ng bata, hindi ba? Beauty regimen? Naku, ano ba ang beauty na sinasabi ninyo? May ganu’n ba? May ganyan ba tayo? Walang ganyan, ano ba? Gumagalaw naman ang mukha ko, ha. Gumagalaw ‘yan. Tumataas ang kilay ko, kalilwa’t kanan ‘yan ha,” pabirong sagot ni Maria. Hindi kaya dahil may inspirasyon siya kaya ang nananatiling maganda ngayon si Maricel? “Masaya ako. Ewan ko kayo,” natatawang sabi ni Maricel. Umamin naman ang aktres na dalawa daw ang nagpapasaya sa kanya, na ang tinutukoy niya ay ang kanyang dalawang anak na sina Marron at Tien-Tien. Pero bukod sa kanila, may ibang lalaki ba sa buhay niya ngayon? “Oh-hmmm,” pakantang sagot ni Maricel. “Uy, kumanta raw o? Malay ninyo may gumaganyan…Pssssttt! At ang pagkakasutsot talaga, eh, psssttttt!” Ang pagiging maganda raw ngayon ni Maricel ay indikasyon na may bago siyang love. True ba? “Well… naku, well! Well, oh! May kasamang shoulder pa! Hahaha! Hindi ano, masaya kasi, basta masaya ako. Hindi ba matagal na ako’ng masaya. Pero ‘yun ang sinasabi ko, hindi kasi ‘yun pwedeng i-deny ‘pag happy ka inside. Lumalabas daw sa mukha.” Speaking of her children, kumusta naman ang mga bagets niya ngayon? “Hindi na sila mga bagets. May sarili na silang buhay, ayaw na nilang pinag-aano sila, hindi raw sila nagkakaroon ng privacy. Kasi pinagto-talk sila ng ano, nako-conscious sila.”
On a more personal note, may balita na annulled na raw ang kasal niya sa ex-husband niya at Optical Media Board Chairman na si Edu Manzano. “Saan? Paano ba ang spelling noon? Paano ba ang spelling noon, oh?” biro muli ni Maria. Umugong ang balitang annulled na ang marriage nila nu’ng pumutok ang isyu na pakakasalan na raw ni Edu ang current girlfriend niya ngayon na si Pinky Webb. Nag-uusap ba sila ni Edu? “Magkaibigan naman kami ni Edu, eh. Game ka na ba? Sabi ko, ‘Game ka na ba ulit?’ Alam mo naman kaming dalawa ‘di ba? Hindi naman kami ano,magkagalit, kahit kailan. Friends kami. And I want him to be happy also.” Ano’ng isinagot ni Edu nu’ng sinabi niya kung game na ba ulit magpakasal ang kanyang ex-husband? “Well, let’s see, ‘di ba? Pa-suspense siya pero kunyari lang ‘yan. I know game na siya ‘no,” sagot ni Maricel.
Pwede na ba talagang pakasalan ni Edu si Pinky? “Oo, oo naman siguro. Pero hindi naman ako ang pari ‘di ba? Hindi naman ako ang magbabasbas. Baka made of cotton. Hahaha!” Ano ang feeling na magpapakasal na ulit si Edu? “Ako lang kung anuman ‘yun, kung meron mang ganu’n, kung matutuloy man ‘yun, hindi naman sa hindi natutuwa,. lahat tayo pwedneg maging masaya. Lahat tayo we deserve to be happy. ‘Yun ang gusto kong paniwalaan. Kasi ‘di totoo na doomsday ka palagi. Hindi pu-pwede ‘yung ganu’n.” So does this mean na legally possible na ba talaga na pwede ng magpakasal ulti si Edu? “Yes,” diretsong sagot ni Maricel. Has she ever met the ABS-CBN correspondent? “Hindi pa, eh. Si Tito Freddie (Webb), oo. E, love ko ‘yun. Ang sarap-sarap namang katrabaho ni Tito Freddie. Nagkasama kami sa Mary, The Potter noon. Nag-guest siya kasi si Tita Nova (Villa) ‘di ba ‘yung nanay namin doon. Tapos hinanapan namin siya ng husband.”
So this also means free na rin si Maria to be with another man. Handa na ba siya? “Ako? Kung magpapakasal ako ulit? Ayoko! No! Naku,. Nakakapagod, ha. Nakakadala. Naku, ginagawa ko na na nga sine ‘yan, eh.” Papayag ba siya s alive-in na set-up? “No! Secret. Secret ka d’yan. Naku baka maudlot, huh. Nag-uumpisa pa lang, ha. (bagong lovelife niya ). Huwag ninyong aswangin, huh,” pabaklang sagot ni Maricel. Kinulitkulit pa naming si Maria kung ilang months na ba sila nu’ng guy. “Saan? Sa sinapupunan ba o ano? Aba, eh, baka nga maudlot kaya huwag muna nating i-talk show. Kasi kapag tinalk show ko na, naku, wala na udlot na ‘to. Pack-up na ‘yan. Kapag naumpisahan kasi na ganyan, lost. ‘Di ba ganu’n? Mamaya kapag tsinek ko ang phone ko wala akong text. Kagagawan ninyo ‘to,” joke muli ng T2 star. Manonood ba sila ng sabay nu’ng guy na nagpapasaya sa kanya kapag ipinalabas na ang T2? Yayayain ba niyang manood ng sine ‘yung guy? “Darling, hindi ako marunong magyaya. Ayoko ng mga yaya-yaya, bakit?” Pero panonoorin kaya nilang dalawa ‘yung T2? “Ako panonorin ko,” tapos ni Maricel.
Related articlesMaricel Soriano on shooting T2: ‘Ninerbiyos ako, nakakakilabot’

