Marion dela Cruz on breaking into showbiz: ‘Di naman po ako nagmamadali’ |
| by Arniel Serato | April 04, 2009 9:24 PM | |
“Hindi naman po ako nagmamadali at sa tingin ko naman po lahat ginagawa ko ngayon eh. Kung wala pong darating eh ganun po ata ang nakatakda para sa akin. basta po kung may dumating man happy po ako at kung wala man ok rin po sa akin,” ito ang bungad na sagot ng Pinor Fear Factor Participante na si Marion dela Cruz nang tanungin ng ABS-CBN.com kung hindi nga ba siya naiinip na wala pang masyadong projects na dumating sa kanya.
Diretsahan din ang sagot ng binata ng matanong sa kanyang gender dahil nga gumagawa siya ng mga acts na parang miyembro ng third sex. “Hindi po kasi ako lang po yung taong mahilig po na magpatawa sa mga ibang tao. Eh nung nagbakla-baklaan po ako napansin ko po na napakadami kong napatawa kaya naging masaya rin ako dun kaya tinuloy ko.”
So kung hindi siya miyembro ng kapatiran, maari din ba siyang umibig sa mga 'gays'? Open kaya siya sa usaping ito? “Kasi po ako na-attract lang po talaga ako sa babae lang, kaso mga lang po minsan meron po silang sinasabi na minsan di mo ito masasabi na pag nakikila mo yung isang tao, puwede kang ma-inlove sa kanya na kung anumang tao siya. Kasi po hindi naman niya malalaman eh pero sa tingin ko po hindi eh, sa tingin ko po sa babae lang po talaga.”
Sa isang guesting, natanong si Marion kung may ire-regalo siyang nakakatakot na bagay kay Pokwang, ano ito? Diumano, ang sagot ng binata ay salamin na labis naman daw ikinasama ng Wowowee co-host. Pero, madali namang naayos ang nasabing isyu dahil gumawa din siya ng paraan na maayos ito. Tinanggap naman diumano ni Pokwang ang kanyang apology. Na-trauma kaya siya sa isyu? “Nabigla po ako, nagulat po ako kasi siyempre bago pa lang po ako biglang may nagawa na po akong masama kaso ganun po talaga ako may nabibitawan akong madaling ma-misunderstand ng tao pero po ang kagandahan naman po sa nangyari sa akin may natutunan naman po ako at nagpapasalamat na rin po ako kasi may natutunan ako sa mga pangyayari, para kung hahaba man ang pupuntahan ko mas ma-apply ko po mula sa umpisa pa lang hanggang sa dulo.”
So, this time, kung may ibigay siyang regalo kay Pokwang ano ito at bakit? “Kung puwede lang po bibigyan ko siya ng paborito kung pagkain sa Vienna para mapa-experience sa kanya yun. Mga chocolate po sa Vienna kasi gusto ko magbigay sa kanya ng something special para ipakita po sa kanya yung pagso-sorry ko po na hindi ko sinadya yung sinabi ko.”
Dahil sa mga pangyayari at sa kanyang pagpapakumbaba, nabanggit din ni Kris Aquino sa The Buzz na love na niya diumano si Marion, ano naman ang masasabi niya dito. “Papasalamat po ako na hindi na po ako bad sa kanya. Na-appreciate ko and thank you talaga na naintindihan niya rin po ako na hindi ko po talaga sinadya yun at wala po akong ibig sabihin [na masama] sa sinabi ko.”
Sa tingin niya kaya may itatagal siya sa showbiz? “Hindi ko po yun masasabi, basta po ako ang masasabi ko lang po ay ibibigay ko lang po ang lahat ng kaya ko at kung hindi po ako magtatagal at least sinubukan ko po.”
Tinanong din ng ABS-CBN.com si Marion kung mayroon siyang tatlong idolo sa show biz, at kung makakausap niya ang mga ito, ano ang sasabihin niya at bakit. Sagot niya sina Robin Padilla, Vic Sotto at Fernando Poe, Jr., “Unang tanong ko po kay Robin Padilla ay ano yung sikreto nyo po kung bakit kayo nakarating diyan? Kung paano mo nagawa yun na na-maintain mo yung lakas mo na ikaw yung gumagawa ng sarili mong stunts, san mo nakuha yung lakas ng loob mo. Si Vic Sotto po, kung papano po siya lagi nakakapagpatawa ng tao kahit siguro may ups and down sa buhay niya na nangyayari sa kanya siyempre tao lang po siya pero papaano niya laging nagagawa ang mga jokes. Kay FPJ, papaano mo na-maintain na kalmado lagi at papaano mo nakuha yung sympathy ng nanunuod sayo na laging nakikita sa iyo positive yung nagiging idol ka ng mga tao papano mo nagawa yun.”
Inusisa din namin ang balikbayan from Austria kung sino ang ultimate crush niya ngayon sa showbiz. “Si Maja Salvador po. Kasi yung itsura po niya Pilipinang Pilina talaga nung nasa Austria ako parang gusto ko magkaroon ng GF na Pilipina tapos nung nakita ko siya sa TV sabi ko yung look niya talagang Pilipinang Pilipina na maganda.”
Gaano nga ba siya ka-romantic? “Sobra po pag talagang na-inlove po ako sa isang babae, talaga pong lahat po gagawin ko para sa kanya. Kung meron po siyan paboritong chocolate na kailangan ko pang kunin sa ibang bansa bibilhin ko yun para maibigay lang sa kanya.”
Related Article

