Saturday, March 20, 2010
Isa nga ba sa mga “silent millionaires" ng showbiz si Shaina Magdayao?
by Ador Saluta | April 21, 2009 8:07 AM | 

Isa nga ba sa mga “silent millionaires"ng showbiz si Shaina Magdayao? Nauna nang nalaman ng taumbayan na ang young Kapamilya stars like Gerald Anderson at Kim Chiu ay nagma-may-ari ng ipinundar na tahanan sa mga exclusive villages sa Metro Manila. Ito namang si Shaina, bagama't hindi priority ang pagpapatayo ng sariling bahay, inamin naman nito na ang mga salaping kanyang naipon simula nang siya'y pumasok sa showbiz as a child star hanggang sa maging leading lady-material ay ipinagpatayo niya ng 18-door apartment dito sa Metro Manila. Mayroon din siyang franchise ng Ystilo Salon at isang laundry shop along Timog. "Ever since I was a kid, natutunan ko sa parents ko kung paano humawak ng pera and like my parents, gusto kong may napupuntahan ang ipon ko. Nakakatuwa na nakikita mo yung pinaghirapan mo, ang pinuhunan mong dugo't pawis. 'Pag napapadaan ako do'n sa (rows of) apartments, nakakatuwang isipin na nakikita mo ‘yong mga days na hindi mo itinulog dahil sa sobrang trabaho, dito napunta yong mga isinampal sa akin, ‘yong mga luha ko. Masaya. Masaya dahil nakikita ko kung saan napunta ang lahat ng yun," kwento ni Shaina sa ABS-CBN.com noong nakaraang grand presscon ng Kambal sa Uma.

Gaya ng kanyang boyfriend na si John Prats na business minded ang pamilya, ito rin daw ang nagsilbing inspirasyon para siya'y mag-isip-isip ng kanyang future. "May mga business din sila, so nakaka-inspire," nakangiting sambit ng aktres. "Kasi, sino ba naman ang tutulong sa 'yo kung hindi yung mga taong nagmamalasakit, nagmamahal sa yo, ‘di ba?. So, nakikinig ako sa kahit na sinong mag-advise sa akin, pati yung mga kasama mo sa trabaho, laging sinasabi sa akin, 'dapat mag-ipon ka, mag-invest ka', ganyan-ganyan, at sinusunod ko naman."

Related Articles

The ABS-CBN ForumsSend us your feedback


‘ASAP XV’ launches new Kapamilya summer station ID live in Boracay
‘ASAP XV’ launches ABS-CBN’s advocacy campaign via live streaming on March 21.
Director Mae Cruz reveals juicy details about Anne Curtis and Sam Milby
‘Babe I Love You’ director Mae Cruz explains the real deal behind Anne Curtis and Sam Milby’s much-speculated romance.
Jericho Rosales supports Kristine Hermosa’s team-up with Oyo Sotto
Jericho Rosales is dismayed over criticisms about Kristine Hermosa’s relationship with Oyo Sotto.
See all articles...
 
© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers