Saturday, May 25, 2013
Derek Ramsay is happy with his new house and his long-term relationship with Angelica Panganiban
by Julie Bonifacio | April 25, 2009 10:50 PM | 

Kamakailan lang nung nabalita na sabay na nagpapatayo ng kanya-kanyang bahay ang magkasintahang sina Angelica Panganiban at Derek Ramsay. Kaya curious naman ang marami to know kung kalian naman sila magpapatayo ng iisang bahay for their own family in the future.

“Secret, I can’t say. Pero basta malalaman na lang ninyo ’yan,” say ni Derek sa presscon ng Komiks Presents Mars Ravelo’s Nasaan Ka Maruja? na magsisimula na on May 2 sa ABS-CBN. Naka-plano na ba ang susunod na ipapatayo nila ay ang bahay nila ni Angelica together? “Ah, it’s something on our list.”

Ayon kay Angelica, tiyak daw na mauuna pang matapos magawa ang bahay ni Derek dahil marami pang pinabago ang young actress sa design ng bahay na pinapatayo niya. “Ah, actually, tapos na. Nakalipat na ako two weeks ago.” pagkumpirma ni Derek na nauna na ngang natapos gawin ang bahay niya.

Si Angelica ang unang babae na bumisita sa baging bahay niya. “(Si) Angel, my parents, and then my eldest sister. She’s the one who helped me design the place… Alam mo first night hindi ako nakatulog. Medyo naninibago pa ako, kasi south, e. Sa pagpunta sa taping mas maaga. Pero it’s worth it. Kasi everything is new. Ngayon alam ko na ang feeling ng Dad ko na ‘pag nasa weekend house kami. Kapag tinitingnan niya ‘yung house lahat ng pawis niya nilagay niya doon. Parang ako rin gusto ko’ng sabihin, ‘Uy, ako rin. Kaya ko na ring magpatayo ng bahay.’” Nang itanong sa kaya kung sino ang katabi niya nung first night sa bago niyang bahay ay pabiro lang ang sagot ni Derek.

Nagpatayo si Derek sa south dahil ayon sa kanya ay mas malinis ang hangin doon. Kinlaro din ng aktor na hindi niya stinastalk si Angelica na sa south din nagpagawa ng bahay. “No, no. We talked about it and sa south is like I said mas malinis ang hangin and it’s between work and my family. I was a southern boy when I came here in the Philippines . Taga-Ayala-Alabang kasi ako.”

Inamin din ni Derek na ang bida ng Komiks Presents Mars Ravelo’s Nasaan Ka Maruja? na si Kristine Hermosa ang una niyang crush sa showbiz. “When I first came in the Philippines siya ‘yung one of my first crushes dito sa Pilipinas. Actually, ‘yung first-first crush ko sa Pilipinas siya ang naging first girlfriend ko rito. She did the Camay commercial before. But she’s no longer here. Her name is Renee. Siya lang ang first crush ko na naging girlfriend ko. Buong family ko alam na siya ang crush ko. Nung lumalabas ang commercial niya tatawagin nila ako. Then one day nagka-pictorial siya sa bahay namin. Hindi ako makapaniwala. Pagbaba ko nakita ko siya. Wow! Takbo, ligo. Tawag sa mga kaibigan, ‘She’s here.’ Sobrang torpe talaga ako. Pinabili ako ng softdrinks ng parents namin. So, sinama ko siya dahil may nakita kaming patay na pusa sa kalye. Pinadampot niya ‘yung patay na pusa sa akin. E, crush ko siya ’di ba? Sure. Dinampot ko. Nilagay ko sa likod ng kotse. Pagdating sa bahay, binury pa namin.”

Tumagal daw ang relasyon niya sa kanyang ex-girlfriend ng two and a half years. At ngayon si Kristine naman ang nakatrabaho niya. Nabighani ba siya kay Kristine on the first day they meet sa set? “Wala, e. Ang puso ko na kay Angel (Angelica).” Hindi raw siya nanghinayang na nakilala niya ng personal si Kristine at the time na girlfriend niya si Angelica. At wala siyang plano na pumorma kay Kristine kahit nang wala si Angelica sa buhay niya. “No, it cannot happen. Seriously, it cannot happen. I’m very happy with what I have right now… “You know physically I’m attracted to her. I’m getting to know Kristine. She’s a very nice person. But I don’t see her that way because I’m in a relationship.”

Hindi naman daw nagseselos si Angelica kay Kristine pero nang itanong kay Derek kung alam ba ni Angel na crush niya si Kristine ay sumagot ito ng, “To tell you the truth we haven’t spoken about that.”

Related Article

The ABS-CBN ForumsSend us your feedback


Ted Failon probes implementation of K-12 curriculum in the country
'Failon Ngayon' investigates the impact of the K - 12 basic education curriculum reform program, which was implemented by the Department of Education last year, on impoverished Filipino families this Saturday (May 25).
Boy Abunda gives marriage advise to Angel and Vhong
Preparations for the wedding of Isabel and Justin in the hit sitcom “Toda Max” are now underway!
Star Magic celebrates 21 years of star power on ASAP 18
Don’t dare miss the exciting anniversary celebration of the country’s premiere star maker this Sunday.
See all articles...

© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers