Anne Curtis openly talks about her past relationships |
| by Heidi Anicete | April 28, 2009 10:47 AM | |
Sa interview ni Anne Curtis para sa SNN ay matapang niyang sinagot ang mga maaanghang na tanong ni Kris Aquino patungkol sa mga lalaking naging malaking bahagi ng buhay niya. Ang dating ka-loveteam sa isang dating teen show na si Chubi del Rosario man daw ang naging unang boyfriend, walang takot niyang inamin na ang anak nina Dina Bonnevie at Vic Sotto na si Oyo Boy Sotto ang pa rin ang itinuturing niyang first love niya. Dalawang taon rin daw ang tinagal ng on-and-off relationship nilang dalawa, na nabuo mula sa anim na buwang ligawan. Nang tanungin ang rason sa likod ng paghihiwalay nila, pinabulaanan niya ang tsismis na siya ang nagloko na siyang hinihinalang cause ng hiwalayang ito. Paglilinaw niya, ang totoo raw dito’y pareho silang nagloko dahil parang naggantihan silang dalawa, na siya ring nagdala sa desisyong makipaghiwalay siya dito. At dahil nga raw first love niya si Oyo, nang nabalitaan niya ang umusbong na relasyon nito sa kapwa artistang si Alessandra de Rossi matapos ang relasyon nila’y hindi niya itinangging nasaktan siya at some point.
Patungkol naman sa sumunod na relasyon niya pagkatapos ng kay Oyo, nabanggit rin niya ang dahilan ng pakikipaghiwalay niya sa dating boyfriend na si Richard Gutierrez. Ang sabi niya, mababaw lang daw ang dahilan ng paghihiwalay nilang dalawa. Habang tatawa-tawa siya’y ibinahagi niya na itinuturing niyang “invalid” na dahilan ng pakikipaghiwalay sa kanya ng matinee idol ay bunsod lamang ng hindi niya pagbabahagi rito ng isang sikretong sinabi sa kanya ng isang kaibigan.
Taliwas naman sa pananaw niya sa paghihiwalay nila ni Richard, nasabi ni Anne na naiintindihan niya ang rasong iniwan sa kanya ng recent ex-boyfriend na si Sam Milby—dahilang naging pangunahing rason ng pagbrebreak nilang dalawa. Nang ipaalala naman sa kanya ni Kris ang madramang pagtatagpo nila noon, nang huli niyang ininterview ang dalaga patungkol sa naging hiwalayan nila ni Sam, ay hindi mapigilang mapahalakhak ni Anne. Naalala raw niya ang pagiging iyakin niya noong mga panahong iyon na sinegundahan naman ni Kris. Inamin niya na it took some time, about 5-6 months, bago siya tuluyang makaget-over sa nasabing break up nila. At kahit pa man daw ngayon na masasabi niyang nakamove one na siya, hindi niya itinatangging mayroon pa rin siyang feelings para kay Sam. Depensa niya, “Well, hindi naman yun mawawala agad...Sa kanya talaga ako nag-all out eh.”
Catch Anne Curtis on The Wedding starting May 11.
Related Article

