Sunday, March 21, 2010
An SNN special: Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos finally tie the knot
by Heidi Anicete | April 29, 2009 9:50 AM | 

Sa pamumuno ni Father Tito Caluag, naisatupad na sa wakas ang minimithing private wedding ng long-time showbiz couple na sina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos. Ang seremonya’y idinaos sa San Juan de Nepumoceno Church, isang lumang simbahan sa San Juan, Batangas kaninang umaga. Ito ang napinto ng magkasintahan dahil ‘di umano’y dito sa lugar na ito ginanap ang isa sa mga pinaka-importanteng kasal sa buhay ni Ryan—ang kasal ng kanyang mga minamahal na magulang.

Kagabi pa lamang ay sinugod na ng mga kapamilya’t ilang mga piling bisita ang Balai Beach Resort sa Nasugbu, Batangas upang paghandaan ang pagdalo sa nasabing kasal. Alas singko ng umaga nang unti-unti nilang punuin ang maliit na simbahan. Naging mahigpit ‘di umano ang seguridad sa nasabing simbahan. Maging ang iba’t ibang video recording devices ng mga bisita’y hindi nila pinahintulutang ipasok sa loob.

Bandang alas siyete na ng umaga nang mamataang nag-umpisa ang prusisyon ng entourage. Matron of honor ni Judy Ann si Megastar Sharon Cuneta, habang ang bestman naman ni Ryan ay walang iba kundi ang kapatid nitong si Dondee Agoncillo. Ang paglakad sa aisle ng bride ay malambing namang sinalubong ng pagkanta ni Agot Isidro ng Runaway. Maliban kay Agot, ang ilan pang mga kaibigan nila mula sa showbiz na nagpaunlak ng kanta’y sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez. Tumagal ang nasabing misa ng hanggang alas otso ng umaga.

Patungkol naman sa balitang late raw ng isang oras ang paring nagpreside ng misa na si Father Caluag, matindi nilang pinabulaanan ito dahil ayon sa kanila’y mga 12 minutes lang naman ang pagkakahuli nito. Matapos ang matrimonya, tinahak muli ng bagong kasal na sina Mr. and Mrs. Ryan Agoncillo at ng kanilang mga bisita ang daan pabalik sa Balai Beach Resort kung saan nila idinaos ang reception.

Sa lalabas daw na special edition ng Star Studio Magazine, na siyang pinamagatang The Judy Ann Santos Magazine, ay ibabahagi ni Judy Ann sa publiko ang ilang pribadong detalye patungkol sa buhay nilang dalawa ni Ryan. Kaakibat rin daw nito ay ilan sa mga private photos nilang dalawa na hindi pa naisasapubliko at ilang bridal pictures mula sa pictorial na ginawa niya habang suot ang ilan sa mga damit na binuo ng ilan sa mga paborito niyang designer. At para naman sa publikong nagnanais na masilip ang tahimik na pag-iisang dibdib nila, manatiling nakaabang sa malapit nang pagpapalabas ng eksklusibong footages ng nasabing kasalang ito na siya ring ipapalabas s ABS-CBN.

Related Articles


    The ABS-CBN ForumsSend us your feedback


Ruffa Gutierrez gains full custody of her kids
Ruffa Gutierrez speaks up about being granted full custody of her daughters and the dismissal of the case filed against her brother Richard.
Denise Laurel: 'I am always the third party'
Denise Laurel finally speaks up about John Prats and Shaina Magdayao’s breakup.
Enchong Dee is set to star in a movie with Bea Alonzo and Coco Martin
Enchong Dee talks about his upcoming Star Cinema film, his team-up with Erich Gonzales, and his summer vacation plans.
See all articles...
 
© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers