Jodi Santamaria’s son Thirdy to enter showbiz? |
| by Bernie Franco | April 30, 2009 8:54 AM | |
Namataan namin kamakailan si Jodi Santamaria sa dressing room ng ABS-CBN kasama ang kanyang anak na si Thirdy. Magkakaroon pala ng special participation ang panganay ni Jodi kay Pampi Lacson, anak ni Sen. Panfilo Lacson, sa Goin’ Bulilit, ang sikat na comedy show na pinapalabas tuwing Sunday.
Aniya nga, lalabas ang nasabing episode ngayong Linggo (May 3) at sobrang excited na ang aktres sa kalalabasan ng nasabing episode. Hindi ito actually ang unang pagkakataon ng paglabas ni Thirdy sa TV. Bukod dito ay lumalabas-labas na rin si Thirdy sa mga commercials kasama si Jodi. Napakanatural din ang pag-arte ng bagets, and as early as now is a celebrity like his parents.
Because of this, hindi namin maiwasang itanong kay Jodi kung hudyat na ba ito ng pagpayag niyang pumasok ang kanyang anak sa mundo ng showbiz. Sinabi naman ni Jodi na hindi pa sa ngayon dahil mas importante para sa kanyang anak na unahin nag pag-aaral. Aniya, mas gusto niyang huwag nang mag showbiz si Thirdy at pagtuunan muna ang kanyang pag-aaral dahil ito ay priceless. Ganunpaman, kung paglaki ni Thirdy at maisipan umano niyang mag-showbiz ay magiging all-out ang suporta niya sa anak.
With reports from Laila Chikadora.
Know more about Jodi and how she balances her career and being a mommy by becoming her KTextmate. She might even give you parenting tips! Text JODI ON to 2366. Available to Philippine residents only.
Related Article