Saturday, November 21, 2009
Mr. & Mrs. Agoncillo hold their very first exclusive interview as husband and wife
by Heidy Anicete | May 05, 2009 10:02 AM | 

Sa unang pagkakataon ay humarap sa SNN sina Mr. and Mrs. Ryan Agoncillo para sa isang eksklusibong panayam. Bilang paunang tanong ay inusisa nina Boy Abunda at Kris Aquino ang pangalang gagamitin ni Judy Ann ngayong kasal na siya kay Ryan. Walang atubili itong sinagot ni Judy Ann na handa na siyang maging Judy Ann S. Agoncillo sa lahat ng mga legal na dokumentong kakaharapin niya. Napag-usapan na raw nilang dalawa ito noon pa man. Ngunit bilang respeto rin daw sa dalawang dekadang ginugol ni Judy Ann sa pagtataguyod ng pangalan niya sa showbiz, hindi ipinagkait ni Ryan na gamitin pa rin niya ang pangalan niya sa pagkadalaga sa mga darating na projects nito sa hinaharap.

Patungkol naman sa naging panayam ng SNN kay Jeffrey Santos noong Biyernes ay kinuha nina Boy at Kris ang opinyon ni Judy Ann sa ilang mga detalyeng ibinahagi nito. Sa mga salitang binitawan ng nakakatanda niyang kapatid regarding living her life for family versus living her life for herself, mariin niyang pinabulaanan na naging masyado siyang family-centered to the point na tinatalikuran niya ang sarili niyang buhay. Giit niya dito, “Hindi naman siya na parang wala akong choice. It’s just that I really wanted to help my family...I wanted to keep my promise to mommy na hindi ako magpapakasal dahil buntis ako...at bago ako magpakasal, I’ll see to it na lahat kayo okay.”

Sa nasabing panayam kay Jeffrey, nabanggit din niya ang naging pakikipag-usap niya kay Ryan bago ang kasalan. Dahil dito, sinubukang alamin nina Boy at Kris mula kay Ryan kung anu-ano nga ba ang nilalaman ng naging pag-uusap ng dalawa. “It’s more of how to deal with his little sister and how to make her happy,” sagot niya sa nasabing tanong. At dahil nga raw they, Judy Ann’s family, are the best people to speak of this dahil sila ang mga tao na nakasama niya buong buhay niya, talaga namang nirerespeto niya ang mga advice mula sa mga ito.

Nabanggit noon na sa lahat ng mga taong ipinakilala ni Judy Ann kay Mommy Carol ay si Ryan ang namumukod-tanging tumatawag ng “Tita” habang ang lahat ng nakakakilala’y “Mommy” ang tawag dito. Inamin ni Ryan na conscious effort raw ito sa parte niya. “May balak na kasi ako noon e (laughs),” amin niya. At dahil nga raw nakasanayan na niya ang pagtawag ng “Tita,” maski hanggang ngayon, paminsan-minsan ay ito pa rin ang naitatawag niya sa kanyang mother-in-law, na agad namang kinocorrect ng nahuli. “I still can’t get used to it,” dagdag nito. Maski si Judy Ann ay umamin din na “Tito” at “Tita” pa rin ang tawag niya sa mga in-laws niya. Sa parte naman niya, medyo nahihiya pa rin daw kasi siya, so she’s taking time na sanayin ang sarili niya na tawaging daddy at mommy ang mga magulang ng asawa niya.

Bukas sa SNN, itutuloy ang nasabing panayam sa bagong kasal. Ilang kaabang-abang na eksplosibo’t eksklusibong mga tanong ang sasagutin ng dalawa. Manatiling nakatutok sa SNN para sa karagdagang detalye.

Related Article


Judy Ann Santos says husband Ryan Agoncillo is not transferring TV networks
The new generation Superstar explains that her husband Ryan Agoncillo has no exclusive contract with any TV station.
Albert Martinez: ‘Yung pagpanaw ni Johnny Delgado is not good for my wife, emotionally.’
Albert Martinez says that his family is keeping optimistic that his wife Liezl will triumph over cancer.
EXCLUSIVE: ABS-CBN.com delivers the inside stories of the Kapamilya trade event in Subic
ABS-CBN.com gets the scoop about Judy Ann Santos and Piolo Pascual’s brief reunion, Diether Ocampo’s chopper ride, and Angelica Panganiban’s tearful interview.
See all articles...
 
 
© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers