Jericho Rosales on love life: 'Make the right sacrifices' |
| by Arniel Serato | May 10, 2009 1:37 AM | |
Sa pakikipag-usap ng ABS-CBN.com kay Jericho Rosales, inamin niyang nalungkot siya sa pagkabuwag ng kanyang bandang Jeans. “Kailangan nilang bumiyahe. May mga magandang offer sa kanila [band mates] abroad, actually lahat sila nasa abroad na. Ako lang yung nandito. Sabi ko ok mas maganda yung trabaho diyan. Anyway pagbalik nila magkakatrabaho ulit kami. Medyo sad but now I'm going solo na as an artist. As a solo artist I'm going to be working with other musicians na, producers, many producers. I’m really excited and pagdating ng banda ko ulit pagbalik nila magre-reunion na lang kami. Magre-record na ako soon ng bagong album.” Kamakailan lang din ay pumirma na ng kontrata sa Star Records si Jericho para sa kanyang bagong album na gagawin.
Sa pagdating naman sa usaping love life, inamin ni Echo na medyo nag-mature na siya pagdating sa usapin ng puso. “Ganun pa din sa estadong medyo naninimbang at nag-iingat. Masaya naman ako, ini-enjoy ko naman yung panahon na kahit single ako ini-enjoy ko pa rin yung panahon. ‘Di pa tama yung timing. ‘Pag ipahintulot na ni God, darating yun. I just pray to have more patience, self-control.”
Ayon pa sa kanya, pagdating sa love, minsan may mga desisyong akala mo ay tama pero in the end may mali pala. “’Di mo kasi maiwasan na gumawa ng malaking desisyon with a lot of prayers and guidance from mga mentors. Talagang if you open your heart and ears to good advice you’re going to live a good life. Makakagawa ka ng magandang desisyon. Just try to be humble, iniiwasan ko lang na sarado yung mundo ko sa ibang tao. That’s the more important thing. When you're in a relationship, some people just like me before wala na sarado na yung mundo nila kayong dalawa na lang sa mundo ‘di ba parang ganun. I tried to avoid that now kinu-kondisyon ko na yung sarili ko na kung ano yung life ko ngayon. Maraming importanteng tao sa paligid ko at least I divide my time. Siyempre andun pa rin yung sincerity, andun pa rin yung pagbibigay ng importansya especially yung future na magiging partner ko to have a balance life, make the right sacrifices if I would have to. And stay the same. Ganun pa rin ako ngayon.”
Naging malaking tampulan din ng tukso noon at mga pagkutya ang kanyang pag-e-English, pero hindi daw talaga siya naapektuhan sa mga puna sa kanyang pagpupursiging matutong magsalita ng English. “Wala naman akong problema sa bansa, makabayan naman ako eh. Ok lang, relax lang ako. Sige lang. Yun ang trip nila ‘di ba. Para sa akin mahalaga yung matuto ka ng ibang lengguwahe katulad ng English, pati salita ng intsik, espanyol kasi importante yan ngayon kasi ang entablado ngayon hindi na Pilipinas lang ‘di ba kundi ang buong mundo na. Kailangan mo yan pag bumiyahe ka ng ibang lugar, kailangang maipagmalaki natin ang pagka-Pilipino natin na kaya nga milyon milyon ang Pilipino sa ibang bansa dahil magaling sila sa lenggwahe. I don’t see anything wrong kung bakit pupunahin yung ano natin dito.”
Malapit na ring simulan nila Echo at Kristine Hermosa ang seryeng Dahil May Isang Ikaw. Sa tingin kaya niya malalampasan nila ang natamong tagumpay ng unang pinagsamahang teleserye ni Kristine na Pangako Sa 'Yo? “Sigurado ako magiging successful yung show namin, pero kung yun ang iisipin ko palagi masyado nang pressure, ayoko ng pressure sa trabaho. Masaya na kami dun. But will try [to do] our best na mas maging maganda. What I’m more concern now is kami ni Kristine magkakasama ulit pinaghahandaan na namin yan naging comfortable kami sa isa't isa and we're very happy kasi yung mga fans namin at mga supporters talagang yung mga followers namin andyan sila nag iintay pa rin, kahit ilang taon na. Finally ito na we're doing it and very excited.”
Pagtatapos pa ni Echo, “I'm very blessed, very thankful and very happy.”
Related Articles

