Friday, March 19, 2010
Quark Henares concerned over Dr. Vicki Belo’s sex video
by Bernie Franco | May 26, 2009 4:08 PM | 
Sa gitna ng patuloy na pag-init ng isyu hinggil sa sex video scandal nina Katrina Halili at Hayden Kho ay patuloy rin ang pagkadawit ng mga pangalan ng iba’t ibang tao. Nasangkot na rin si Dra. Vicki Belo, ang dating katipan ni Hayden dahil sa mayroon din daw video ang dalawa. Pati ang pamilya ng doktora ay nasali na rin sa isyu pero lubos ang suportang ibinibigay ng kanyang dalawang anak na sina Cristalle at Quark.

Ayon kay Quark, pinapangambahan niya ang paglabas ng umano’y sex video ng ina at ni Hayden. “Very scared, of course. I pray everyday (na sana hindi kumalat),” anang director at idinagdag na para naman talaga ito para sa private viewing lamang at wala silang ideya kung nasa kamay na ito ng sinuman.

Kung magkataon na lumabas man ang video, gagawin umano ni Quark ang lahat para sa ikabubuti ng ina. “I will do whatever my mom thinks best and I will support her,” deklara niya. Natutuwa naman siya dahil sa kabuuan ay mas tumindi ang pagmamahalan ng kanilang pamilya. Kahit nga ang dating asawa ni Dra. Vicki na si Atom Henares ay nagpakita ng suporta. Sinabi rin ni Cristalle na ang kanyang ama ngayon ang dahilan upang manatili silang matatag sa gitna ng hinaharap na pagsubok.

Pahayag pa ni Quark, darating din ang araw na mawawalan rin ng interes ang mga tao sa kontrobersyang ito. “No matter what happens, we love her. And we’re here to support her,” sabi pa ni Quark. “After everything is said and done alam naman natin lahat, magiging laos na ito. But then all throughout we’re here for you (Dr. Vicki) that we will do best that we can.”

Hindi naman itinatago ni Quark na hindi siya boto kay Hayden sa simula pa lang subalit ang importante umano sa kanya ay ang kaligayahan ng ina. At walang kasalanan ang ina dahil nagmahal lang ito. “Yung love walang rules naman talaga. Whether people are for it or against. It just strengthens my conviction na mahal talaga niya si Hayden after everything that has happened,” tapos ni Quark.  

Natutuwa naman si Dr. Vicki dahil sa kabila ng isyung ito ay nakita niyang ang suporta at pagmamahal na ibinibigay sa kanya ng kanyang mga anak at dating asawa. “Cristalle and Quark have been the most supportive people. I know they’re having such a hard time but you know it’s wonderful it brought our family closer together, including Atom he’s always here. There are so many blessings coming from it. You really know who your friends are, when the ships are down.

Idinagdag din ng doktora na ang moral lesson dito ay para mag-ingat ang mga kababaihan at huwag mang-agaw ng boyfriend ng may boyfriend.

Related Article

The ABS-CBN ForumsSend us your feedback


Jericho Rosales on his current relationship: ‘I’m really happy. I just don’t want to talk about it’
Jericho Rosales says keeping quiet about his love life is a lesson he has learned from his past relationships.
Eddie Gutierrez on ABS-CBN: 'I am very happy to be here'
Eddie Gutierrez is happy to be back on ABS-CBN.
The Gutierrez family gets a back-to-back triumph in judicial court
Aside from Ruffa Gutierrez’s win over her children’s custody case, it has also been reported that her brother Richard’s reckless imprudence case is now dismissed.
See all articles...
 
 
© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers