Sunday, November 22, 2009
Cristine Reyes, hindi na ba masaya sa Banana Split?
by MJ Felipe | May 27, 2009 8:11 AM | 
Lately ay marami nang natutuwa sa mga spoofs at practical jokes ng Banana Split. Maganda ang naging response ng mga viewers sa ginawang rigodon at changes sa nasabing comedy show. Marami ang naaliw nang nadagdag sina Pokwang, Pooh, Jayson Gainza, John Prats at Zanjoe Marudo.

Pero nitong pinakalatest na episode ng Banana Split, kapansin-pansin na medyo malungkot ito. Usually kasi sa ending ng show ay nagsasama-sama ang lahat ng mga hosts at dito ay nagbabanter sila. Si Cristine, kapansin-pansin na parang left-out at parang hindi game makipagchikahan sa iba pang mga artista. Lahat ng mga artista ay nakikipagkulitan at nagbabatuhan ng punchline, samantalang si Cristine naman ay nasa isang tabi lang at ni hindi mo maaaninagan ng ngiti at saya sa mukha.

Tinext namin ang isa sa mga kasamahan ni Cristine sa show na si Pokwang. Tinanong namin sa kanya kung anong reaction niya na maganda na ang response ng viewers sa kanilang sitcom. "Masaya kami dahil maganda ang feedback ng show sa mga bossing lalo na kay Ma'm Charo. At iyon ang importante diba?" paunang sagot ng komedyana. Dagdag pa ni Pokwang, “Flangganang may tattoo mare! Ang misyon namin ay magpasaya at hindi magdrama ‘di ba?". At sa tsika naman namin sa kanyang bakit malungkot si Cristine, ang naging sagot ni Pokey ay, "Wala mare, baka may pinagdadaanan lang ang lola mo!"

Tinext namin si Cristine noong araw ding yung tinext namin si Pokwang pero hindi ito sumagot. Bago pa man namin napanood ang episode na iyon ng Banana Split, nakasalubong namin si Cristine sa 2nd floor ng Main Bldg ng ABS-CBN na nagte-taping for the sitcom. Tinanong namin siya kung kamusta na siya at okay lang naman daw siya. Itong Banana Split pa lang daw ang project niya ngayon, after magsara ng Eva Fonda. May binanggit si Cristine na may plano daw ang ABS-CBN sa kanya na parang series, pero wala pa itong konkretong detalye. Kakatapos lang din ni Cristine lumabas sa Precious Hearts Romances presents Bud Brothers kasama si Jake Cuenca.

Related Article

The ABS-CBN ForumsSend us your feedback


Judy Ann Santos says husband Ryan Agoncillo is not transferring TV networks
The new generation Superstar explains that her husband Ryan Agoncillo has no exclusive contract with any TV station.
Albert Martinez: ‘Yung pagpanaw ni Johnny Delgado is not good for my wife, emotionally.’
Albert Martinez says that his family is keeping optimistic that his wife Liezl will triumph over cancer.
EXCLUSIVE: ABS-CBN.com delivers the inside stories of the Kapamilya trade event in Subic
ABS-CBN.com gets the scoop about Judy Ann Santos and Piolo Pascual’s brief reunion, Diether Ocampo’s chopper ride, and Angelica Panganiban’s tearful interview.
See all articles...
 
 
© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers