Sunday, March 21, 2010
Quark and Crystalle Henares speak up on the Hayden Kho video scandal
by Julie Bonifacio | May 28, 2009 11:35 AM | 

Nagpaunlak ng kanilang pahayag ang magkapatid na Quark at Crystalle Henares sa kinasasangkutang kontrobersiya ng kanilang ina na si Dra. Vicki Belo dahil sa ex-boyfriend nitong si Hayden Kho sa launching ng bagong-bihis na Flawless beauty clinic kung saan ka-partner ni Dra. Belo si Ruby Sy-Coyuito. By this time, nakaalis na ng Pilipinas ang magkapatid patungong Europe with their Mom at para sa Belo 101 show ng Belo Medical Group sa The Filipino Channel (TFC).

Inilinaw ni Cristalle na ang kanilang pagbibiyahe ay para hindi umiwas sa mga isyung video scadal. “We needed this [trip to Europe]. It’s very hard to put our schedules together. Parang one month ago planado na ‘yung Europe trip namin. So, parang siguro si God alam niya ‘yung timing na ‘yun. So, saktong-sakto,” bungad ni Crystalle. Dagdag ni Quark, “And when she’s (Dr. Belo) back, she’ll focus on the new Belo Essentials campaign with our new endorser.” Pagkatapos ng shooting para sa Belo 101 ay magbabakasyon na din sila sa Europe.

Para sa magkapatid, gusto lang nilang suportahan ang ina sa nagbabagang isyu. “We just want her to make her feel na we’re here. We love her and as a mom she has been awesome. She’s a great mom you know. Never siyang nagkulang para sa amin,” paliwanag ni Cristalle.

Si Quark naman ay pabirong sumagot ng itanong kung may message siya para kay Hayden. “Happy birthday Pare! Hahaha! Happy birthday Hayden!” aniya. Nang itanong kung napanood na ba niya ang sex videos ni Hayden, sumagot siya ng. “Yeah, live long and prosper, right? Hahaha!” (Nanggaling ang nasabing linya sa Star Trek.) Sa paghihingi naman ng tawad ni Hayden, inamin ng dalawa na hindi pa nila napanood ang video ng pagsosorry ni Hayden. Para kay Quark, mabuti na nagpapakita ng kanyang pagsisi si Hayden, pero gusto rin niyang abangan kung magpapakatotoo ito sa kanyang pahayag.

Sa kabila ng kaguluhang naidulot ng mga sex videos, marami ang nagpakita ng kanilang suporta sa kanilang pamilya at sa kanilang negosyo. “Marami akong nakukuhang text na nandidito kami for you and I really, really appreciate lahat ‘yun. Kasi sobrang blessed talaga kami to have good friends and family who support us well,” inamin ni Cristalle. “Para sa akin sobrang importante na malaman ng tao na, ito ay isang parang sitwasyon na ang na-involve dito ay si Hayden na separate kay Dra. Belo na separate sa Belo Medical Group. So, wala naman siyang apekto sa business as of now. Feeling ko naiintidihan ng tao ‘yun kasi personal niyang sitwasyon ‘to.”

Hindi rin tumitigil ang magkapatid sa pagsuporta sa ina. “We just tell her every night that we love her. We hug her,” ayon kay Cristalle. “ No matter what happens we love her and we’re here to support her. I mean, everything has been said and done. Alam naman natin in a month magiging parang laos na ito or whatever. But you know, all throughout… you know what I mean. This is another issue na ano, tapos may bagong issue na naman, whatever. But really, all throughout we’re here for you. That’s the best we can do,” dagdag ni Quark.

Kinakabahan ang dalawa kung sakali mang lumabas ang video ng kanilang ina at ni Hayden. “We’re very scared so, I pray everyday na huwag lumabas, of course,” pagbunyag ni Quark. Itinanggi din niya na may kopya ang ina ng naturang video. “I mean, kung meron man, kung nakita man niya ‘yun, ah, it would have been destroyed. I don’t know of anyone has it ‘di ba? I’m just being honest and candid here.”

Kung lumabas man ang video ay handa rin ang dalawa na magbigay ng suporta pa rin. “It actually strengthens our love for her even through this. Ako nga, e, if that ever happened to me talagang ano, I would just hide. Tatakbo na lang ako! Hahaha! But she’s very gracious. She’s very grateful.”

Kahit alam nilang mahal pa rin ni Dra. Belo si Hayden ay nananatiling sa tabi lang sila nito. “Alam mo parang ‘yung love wala namang rules talaga ‘yan, e. It just strengthens my condition na mahal niya talaga si Hayden after everything that has happened, after everyone’s telling her not to ano, ‘di ba? Well, it’s admirable I think. To really fight for what you believe in and love.”

Inamin ni Quark na minsan na nilang napagawayan si Hayden ng kanyang ina. “Ah, to be totally honest we had our ano, alam ninyo naman ‘yun, even during the relationship. But ah, you know, she decided to follow her heart and because we love her more than anything.”

Itinanggi din ni Quark na aalis siya sa kanilang tahanan kung sakaling iuwi ng kanilang ina si Hayden dito. Biro niya na gagawan pa nga daw niyang ng video ito. “Ano, siguro gagawa kami ng video. Ako na ang magdi-direk. Kasi poor ang direction, out of focus, e. Medyo madilim (ang sex video niya).”

May ipinaliwanag din si Cristalle sa pagpapalit ng kanyang pangalan mula Cristalle Henares sa Cristalle Belo. “Kasi nahihirapan ang tao na i-associate (ako sa Belo). Kasi sa Belo 101 sinasabi ko, ‘This is Crystalle Henares.’ Parang ah, ‘Bakit siya nand’yan? Sino siya?’ So, kailangan lang i-strengethen ang association.” Ukol naman sa maling timing neto at nasa kainitan pa rin ng iskandalo, paliwanag ni Cristalle, “Naku, paninindigan ko ‘yun. Hindi naman ako nahihiya. Pangalan ko ‘yan.”

Related Articles

The ABS-CBN ForumsSend us your feedback

Tags:

Ruffa Gutierrez gains full custody of her kids
Ruffa Gutierrez speaks up about being granted full custody of her daughters and the dismissal of the case filed against her brother Richard.
Denise Laurel: 'I am always the third party'
Denise Laurel finally speaks up about John Prats and Shaina Magdayao’s breakup.
Enchong Dee is set to star in a movie with Bea Alonzo and Coco Martin
Enchong Dee talks about his upcoming Star Cinema film, his team-up with Erich Gonzales, and his summer vacation plans.
See all articles...
 
© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers