Goo Jun Pyo ng Boys Over Flowers, nagparetoke? |
| by Bernie Franco | June 01, 2009 12:27 AM | |

Sa patuloy na pamamayagpag sa ratings ng Koreanovelang Boys Over Flowers ng ABS-CBN, hindi na rin mapigilan ang pagkahumaling ng mga manonood sa mga pangunahing bida partikular na ang love triangle nina Jan Di (Koo Hye Sun), Goo Jun Pyo (Lee Min Ho) at Ji Hoo (Kim Hyun Joong). Sa ratings nga sa Metro Manila at sa buong bansa ay itinataob nito ang kalaban mula sa kabilang istasyon.
Samantala, sa patuloy naman ng pagsikat ng nasabing programa at ng mga pangunahing bida ay naglalabasan na rin ang mga intriga tungkol sa kanila. Halimbawa, sinasabing si Lee Min Ho o si Goo Jun Pyo na lider ng F4 ay sinasabi umanong sumailalim sa plastic surgery upang lalong ma-enhance ang kanyang guwapong mukha. Ayon sa isang website, sinasabing isang cosmetic clinic umano ang nagpaskil ng nasabing balita at naroon din ang larawan ni Lee Min Ho at ng dalawang cosmetic surgeon na nag-opera sa kanya. Nagpa-double eyelid at nagpa-enhance ng baba umano si Lee Min Ho.
Itinanggi naman ito ng kampo ng binata at sinabing natural ang pagiging guwapo ni Lee Min Ho. Sa ngayon kasi, nangunguna ang South Korea sa industriya ng cosmetic surgery dahil marami umano sa populasyon nito ang nagpapaayos ng mukha. Kung tutuusin ay wala namang masama kung baba at guhit sa mata ang ipinaayos ng Korean star dahil marami sa mga artista ngayon sa maraming panig ng mundo ang gumagawa nito. Minor din lang ang ipinaayos ni Lee Min Ho kung sakaling totoo man ito.
Speaking of surgery, nagkaroon pala ng surgery sa hita itong si Lee Min Ho noong 2006 dahil sa vehicle accident. Kinailangan niyang maoperahan at nilagyan ng steel plate at pin ang kanyang buto. Years after the accident ay gumaling na umano ang nasabing damage sa hita niya at dapat ay tatanggalin ito ngayong Mayo. Subalit sa sobrang hectic ng schedule ng Korean actor ay kinailangan itong i-postpone at na-reset ito ngayong Hunyo.
At dahil medyo matatagalan pa bago siya maoperahan, sinabi sa mga balita na may pagkakataon na ngayon si Lee Min Ho na mag-concentrate sa kanyang pagkanta dahil sa gaganaping presentation ng kanilang grupong F4 sa harap ng kanilang mga fans. Nang lumipad kasi ang grupo sa Japan noong Abril upang i-promote ng Boys Over Flowers, siya lang ang hindi kumanta sa kanilang apat dahil natatakot umano ang binata na masira ang kanta dahil hindi naman talaga siya singer.
Huwag palalagpasin ang mga kakilig-kilig na eksena sa Boys Over Flowers araw-araw pagkatapos ng Hot Shot.
For more updates on your favorite Koreanovelas on ABS-CBN join kapamilyanovelas.multiply.com.
Related Articles

