Sunday, November 22, 2009
Angelica Panganiban, RR Enriquez at Pokwang, pinagtutulungan si Cristine Reyes?
by Morly Alinio | June 09, 2009 8:24 AM | 

Sa The Fort ay nagkaroon ng pagkakataong makausap ng ABS-CBN.com si Angelica Panganiban.Sa second floor ng Kabisera restaurant ay masayang nagkuwentuhan kami ng aktres tungkol sa pagiging hit ng spoof nila ni Jayson Gainza ng SNN sa gag show na Banana Split. "Biglaan ang nangyari. Kasi nagkaroon kami ng reformat sa Banana Split then may dumating sa aming script binigay sa amin ni Jason Gainza then nabasa ko...NNNN, sabi ko ‘My god parang hindi ko yata kaya’ dahil first time kong mag-i-impersonate ng isang tao at hindi siya basta basta ordinaryong tao siyempre, Miss Kris Aquino yung gagayahin ko ‘di ba? Unang pumasok sa utak ko, ‘Oh my god, paano nga ba siya?’ kasi at first hindi muna ako natakot na baka ma offend siya o baka hindi niya magustuhan ang unang pumasok sa utak ko ay tinanong ko ng aking sarili paano nga ba siya magsalita at kumilos. Sabi sige trabaho lang ito kumbaga walang personalan kaya hayun kung anuman yung nakasulat sa script ginawa kong lahat kung ano ang aking magagawa Pero after two days saka nag-sink in sa akin yung fear na baka magalit sa akin si Kris. Nakakatakot yung ginawa ko. Baka ma miss understood ng mga taong malapit sa kanya at magsumbong. Ganun yung nararamdaman ko...natakot talaga ako,” natatawang kwento ni Angelica.

Sa interbyu na ginawa ng ABS-CBN.com  sa album launching ng We Are One ay mariing sinabi ni Kris na bukod kay Toni Gonzaga ay si Angelica Panganiban lang ang binibigyan niya ng karapatang mag-spoof ng kanyang pagkatao. Ayon kay Kris naaaliw daw siya kay Angelica sa Banana Split na kung saan ay ginagawa ang pagsasalita at galaw niya "Siyempre nakakatuwang malaman na ganun ang feeling niya sa akin. Kasi siyempere nakakatakot yung ginawa ko kasi baka hindi niya magustuhan but since halos lahat ng mga taong malapit sa kanya ay gusto yung ginawa ko sa Banana Split kaya nakakatuwa talaga., Ibang satisfaction yung nararamdaman ko. Masaya ako. Iba ang feeling nung alam mo na marami ang natutuwa sa iyong ginagawa at marami ang sumusuporta. Ang masaya dito kahit isang tao wala akong narinig na negative feedback halos lahat sila sinasabi nilang natutuwa sila sa akin at kay Jayson sa Banana Split. Hindi ko rin naman ini expect na magiging patok siya sa mga tao akala parang joke time lang siya parang isang segment lang na hindi na uulitin pero dahil sa dami ng mga nagkakagusto sa portion na iyon hayun laging meron nang ganun sa banana split na mapapanood every Saturday.At masaya talaga ako kasi yung pag-iimpersonate ko kay Ate Kris parang iyon na ngayon ang inaabangan ng mga tao sa show."

Malaki daw ang ipinagpapasalamat ni Angelica kay Boy Abunda specially kay Kris Aquino dahil pinagkatiwalaan daw siya ng aktres na mag-spoof. "Sobrang saya ko talaga at ang maipa promise ko lang kay ate Kris kahit ini-impersonate ko siya ay hindi mawawala ang respeto ko sa kanya at lalo kong pagbubutihin ng aking ginagawa plus ipinapangako ko rin na hindi ko lalampasan ang limitasyon ko sa paggaya ko sa kanya dahil nakakatuwangh isipin na maging siya pala ay nanunuod sa mga ginagawa ko. Salamat talaga ng malaki sa tiwala Ate Kris.”

Napunta na ang usapin ng lumaon sa awayan raw nila ng kanyang Banana Split co-star na si Cristine Reyes. Kung paniniwalaan ang balita ay pinagtutulungan daw "apihin" nina Pokwang, RR Enriquez at Angelica si Cristine na siyang dahilan kung bakit hindi na sumisipot ng taping ang nakababatang kapatid ni Ara Mina. "Tungkol dun sa pag alis niya sa Banana Split actually medyo magulo nga ang isyu. Ang dami daming naglalabasan na kung ano-ano. Kasi every Thursday ang taping namin ng Banana Split tapos nag-advance taping kami two weeks ago eh, hindi ako pwede kasi biglaan iyon at may iba na akong commitments kasi ang schedule ko talaga for Banana is every Thursday lang but since nag-advance sila hindi na ako pwede so sila-sila ang nandoon and then pinapapunta nila ako ng taping ng Friday ng mga 8pm nang hindi ko alam kung bakit. At dun sa taping nalaman ko nga na nagkaroon na pala ng problema sa set so hindi ko alam kung ano ang nangyaring isyu talaga blanko sa utak ko kung ano ba talaga ang problema kaya nagugulat as in naloloka talaga ako sa mga naglalabasan na kesyo galit sa akin si Cristine at ako daw ang dahilan kung bakit ayaw na niyang mag taping. Bakit ako? Wala akong alam dun kung anuman ang naging problema nila.”

Magulo pa din para kay Angelica ang mga isyung ipinaparatang sa kanya. "Actually up to now hindi pa rin klaro sa utak ko kung bakit may isyu sa amin ni Cristine basta ang napanood ko na lang sa TV yung interview niya at sinabi niya tungkol sa show na ayaw niyang pagtawanan or ayaw niyang mag-spoof o ayaw niyang gamitin katawa-tawa yung mga nangyayari. Kung iyon nga ang dahilan niya at nararamdaman niya para sa show namin wala akong karapatang manghimasok sa kanya at pilitin siya at sabihing hindi, gawin mo ito. Wala akong karapatan. Kaibigan lang niya ako at hindi ako ang nanay niya or manager niya na pwedeng mag-utos sa kanya."

Ang usap usapan ay pinag tutulungan daw nina Angelica, RR at Pokwang si Cristine kung kaya’t nagdesisyong itong iwan na ang Banana Split. "Hindi! Never namin siyang pinagtulungan. Isang buong pamilya kami sa Banana. Para kaming magkakapatid. Yung sinasabing close kami nina Pokwang at RR totoo iyon. Talagang magkakaibigan kami hindi namin idinideny ang closeness namin. Lalo na sina RR at Pokwang lagi ko silang nakakasama sa Wowowee at ako sa totoolang nakikita ako ng mga tao na basta na lang ako sumusulpot sa Wowowee nakapambahay ako. Pamilya ang turing ko sa kanila,alam naman ninyo na mag isa lang ako sa bahay ko di ba? na kapag wala akong magawa at kapag bored ako at napanood ko ang mga kaibigan kong sina RR at Pokwang sa Wowowee ay sumusugod talaga ako, nakikikain ako sa kanila, ganun dadalawin ko si Kuya Willie tapos nag-out of the country kami kaya siguro close talaga kaming tatlo pero hindi naman ibig sabihin ay pinaggutulungan na namin si Cristine dahil kaibigan ko siya hindi ko nga alam kung bakit may ganitong isyu sa amin.” Totoo bang inirapan ni Angelica si Cristine minsan silang magkita? "Kelan? Saan? Irapan? Wala akong nakikitang dahilan para irapan ko siya o mairita ako sa kanya. Hindi ko gagawin sa kanya iyon dahil magkaibigan kami at ako man ay nagutuluhan bakit may mga ganitong isyu ngayon sa amin," pagwawakas ni Angelica.

Related Articles and Links

The ABS-CBN ForumsSend us your feedback


Judy Ann Santos says husband Ryan Agoncillo is not transferring TV networks
The new generation Superstar explains that her husband Ryan Agoncillo has no exclusive contract with any TV station.
Albert Martinez: ‘Yung pagpanaw ni Johnny Delgado is not good for my wife, emotionally.’
Albert Martinez says that his family is keeping optimistic that his wife Liezl will triumph over cancer.
EXCLUSIVE: ABS-CBN.com delivers the inside stories of the Kapamilya trade event in Subic
ABS-CBN.com gets the scoop about Judy Ann Santos and Piolo Pascual’s brief reunion, Diether Ocampo’s chopper ride, and Angelica Panganiban’s tearful interview.
See all articles...
 
 
© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers