Sunday, November 22, 2009
Erik Chua denies the allegation that Bea Alonzo has a sex video with Hayden Kho
by Heidi Anicete | June 11, 2009 9:18 AM | 

Bilang pagtatapos sa eksklusibong panayam ng SNN kay Erik Chua, sinubukang kumpirmahin ni Kris Aquino sa binata ang bulung-bulungan na maging si Bea Alonzo raw ay nagkaroon ng intimate encounter kay Hayden Kho, na di umano'y nahuli rin ng doktor sa kanyang hidden camera. Agad namang pinabulaanan ni Erik ang intrigang ito. Ayon sa kanya, sa lahat raw ng mga nabrowse niyang sex videos ni Hayden ay hindi niya maalalang nakita niya ang mukha ng young actress, sa katotohanan, maliban kay Katrina ay wala na raw siyang maalalang mga babae sa mga naturang video na napapabilang sa listahan ng mga malalaking pangalan sa showbiz industry.

Ano pa man ang masasalimuot na pinagdaanan niya bunsod ng mga kontrobersyal na sex videos ni Hayden na pilit nagbahid ng dungis sa kanyang pangalan, hindi pa rin itinatanggi ni Erik na sa hinaba-haba ng naging pagkakaibigan nila ni Hayden ay naging mabait ito sa kanya. He is still dwelling with the benefit of the doubt na kaya lamang nagawa ng kaibigang isabit ang pangalan niya sa naturang kaso ay dala na rin ng matinding pagkakaipit nito. 'Si Hayden naman mabait siyang kaibigan bago nangyari ang gulo' giit niya. Bago ang kontrobersya, masasabi niyang mabuting tao naman raw ito. 'He is a good man. Matulungin siya sa kaibigan.' Wala raw karapatan ang publiko na husgahan siya ngayon base sa kinasasangkutan niyang gulo dahil hindi ito ang nagdidikta ng buong pagkatao niya; isang pagkakamali lamang daw ito sa buhay niya kaya people shouldn't take it against him. 'He made some mistake, but everybody makes mistakes' dagdag niya dito.

Hanggang sa huli ay mariin pa rin ang pagdedepensa ni Erik sa sarili niya na wala siyang kinalaman sa sinasabing pagpapakalat ng naturang videos ni Hayden. At para suportahan ang claim niyang ito, iginiit niyang 'I never had a copy of those videos.' At upang tuluyan nang putulin ang pagkakadawit ng kanyang pangalan sa kontrobersyal na kaso ng sex scandals na ito at maibalik ang kanyang buhay sa dati nitong ayos, hinihiling ni Erik na kung maaari'y maghain ng public apology si Hayden sa kanya. Ayon na nga rin sa kanya, 'Hayden got me in this mess, so he should get me out.'

For more showbiz exclusives log on to snnonline.multiply.com

Related Articles and Links

The ABS-CBN ForumsSend us your feedback


Judy Ann Santos says husband Ryan Agoncillo is not transferring TV networks
The new generation Superstar explains that her husband Ryan Agoncillo has no exclusive contract with any TV station.
Albert Martinez: ‘Yung pagpanaw ni Johnny Delgado is not good for my wife, emotionally.’
Albert Martinez says that his family is keeping optimistic that his wife Liezl will triumph over cancer.
EXCLUSIVE: ABS-CBN.com delivers the inside stories of the Kapamilya trade event in Subic
ABS-CBN.com gets the scoop about Judy Ann Santos and Piolo Pascual’s brief reunion, Diether Ocampo’s chopper ride, and Angelica Panganiban’s tearful interview.
See all articles...
 
 
© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers