Quark Henares claims that Erik Chua tried to sell Hayden Kho's sex videos |
| by Heidi Anicete | June 12, 2009 8:34 AM | |
Tahasan na ang pagdawit ng pangalan ni Vicki Belo sa pagpapakalat ng mga kontrobersyal na sex videos ni Hayden Kho kaya naman simula nang makabalik ito mula sa out of the country shoot para sa Belo 101 ay makailang ulit nang pinilit na kunin ang kanyang pahayag patungkol dito. Sa kasamaang palad, naging mailap si Vicki sa kamera kaya naman kagabi ay sinubukan na lamang kunin ng SNN ang pahayag ng anak nito na si Quark Henares kaugnay ng nasabing isyu. Sa nasabing panayam, si Quark na mismo ang humingi ng dispensa sa pananahimik ng ina. Ayon sa kanya, masyado raw mabigat ang pinagdadaanan ng ina lalo pa ngayon na idinadamay na ng tuluyan ang pangalan nito sa kaso kaugnay ng pagpapakalat ng mga eskandalosong video.
Dala na marahil ng masalimuot na sitwasyon ng kanyang ina gawa ng patuloy na paghahabla ng kaso ni Katrina Halili, hindi na rin naiwasan ni Quark na magsalita patungkol sa nasabing dalaga. 'I really feel sorry for her pero that doesn't mean she can attack other people' diretsahang pahayag ni Quark. Tanggap na raw niya na mula sa posisyon ni Katrina ay malinaw na malinaw na makukuha nito ang simpatya ng nakararami, ngunit ayon na nga rin sa kanya, hindi ito sapat para magdawit ng iba't ibang tao just to seek her justice. 'You're the person who took someone's boyfriend away' hindi niya mapigilang ibulalas gawa ng pagkadismaya sa nagiging epekto ng innocent victim approach ng dalaga ngayon, lalo pa't si Vicki mismo ang tinatayang inagawan nito noon.
Patungkol naman sa mariing pagtanggi ni Erik Chua sa isyu ng pagtatangka nitong ibenta ang nasabing mga sex video ni Hayden ay nagkaroon ng isang malaking pasabog ng rebelasyon si Quark. Ayon sa kanya, si Erik, na naging kaibigan rin niya noon sa Ateneo, raw mismo ang nagbahagi sa kanya patungkol sa tangka niyang pagbebentang ng nasabing mga sex video kaya hindi na niya ito maitatanggi ngayon sa kanya. 'Si Erik inamin niya sa akin before. We met in a bar then he said 'pare sinubukan kong ibenta yan pero Php 200,000 lang' paliwanag niya.
Related Articles and Links

