Thursday, March 18, 2010
Ruffa Gutierrez on rift between mom and John Lloyd Cruz: ‘Okay na sila.’
by Bernie Franco | June 22, 2009 12:24 AM | 

Kahapon sa The Buzz ay ipinagdiwang ni Ruffa Gutierrez ang kanyang birthday at dumating ang kanyang ama na si Eddie Gutierrez upang batiin ang kanyang anak. Isang wish naman ang ibinigay niya sa kanyang nag-iisang anak na babae. “Si Ruffa maraming pinagdaanan sa buhay. I hope you stay happy, stay healthy and to love her kids and love herself, and most of all, more success,” sabi ni Eddie. Inusisa naman nina Boy Abunda at Kris Aquino ang tinuran ni Eddie na mensahe kay Ruffa na love herself, at nagpaliwanag naman ang beteranong aktor na minsan kasi, kagaya ng ibang tao, ay nakalilimutang mahalin ang sarili.

Nagbigay naman ng maikling pahayag si Ruffa hinggil sa isyu umanong pagkakaroon ng alitan sa pagitan ng nail-link na aktor sa kanya na si John Lloyd Cruz at ng kanyang mommy na si Annabelle Rama. “They’re okay. ‘Yun ang gusto kong sabihin kasi baka akala ng mga tao galit pa rin ang mommy ko kay John Lloyd. She was never mad naman,” pagkaklaro ni Ruffa. Sinang-ayunan naman ito ng kanyang ama at inamin na lumabas sila kamakailan kasama ang kampo ni John Lloyd upang mag-usap. “One night we had dinner, John Lloyd, Johnny Manahan (Star Magic head), John Lloyd’s manager, Mariole Alberto (Star Magic executive), ako, si Annabelle at si Ruffa. We talked,” kwento ni Eddie. Sinabi rin ng ama ni Ruffa kung ano ang naging impresyon niya kay John Lloyd. “Nag-usap kami we had dinner. Nice conversation. I find John Lloyd to be a very nice person. They were sitting together, Annabelle and John Lloyd and they were talking mukhang okay na sila,” dagdag nito.

Sa kabila ng mga patuloy na intriga na may namumuo umanong relasyon sa pagitan nina John Lloyd at Ruffa, nagsalita si Eddie ukol sa kung ano sa palagay niya ang namamagitan sa kanyang anak at kay Lloydy. “Ang masasabi ko, Ruffa and John (Lloyd) were sitting together and parang may nakikita akong malalim na friendship,” pagtatapos nito.

Related Link and Articles

The ABS-CBN ForumsSend us your feedback

Tags:

Jericho Rosales on his current relationship: ‘I’m really happy. I just don’t want to talk about it’
Jericho Rosales says keeping quiet about his love life is a lesson he has learned from his past relationships.
Eddie Gutierrez on ABS-CBN: 'I am very happy to be here'
Eddie Gutierrez is happy to be back on ABS-CBN.
The Gutierrez family gets a back-to-back triumph in judicial court
Aside from Ruffa Gutierrez’s win over her children’s custody case, it has also been reported that her brother Richard’s reckless imprudence case is now dismissed.
See all articles...
 
 
© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers