Thursday, May 17, 2012
John Lloyd Cruz on visiting the Gutierrezes: ‘Nakakatuwa naman welcome ako sa bahay nila’
by Julie Bonifacio | June 24, 2009 8:14 AM | 

Lutang na ang kasiyahan sa mga mata ni John Lloyd Cruz nu’ng tanggapin niya ang karangalan bilang Box-Office King sa naganap na Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Inc. coronation night sa Carlos P. Romulo Auditorium ng RCBC, Makati City last Sunday. “Happy ako, of course. Malaking ano ito, malaking factor din. So, ‘pag pinagsama-sama mo lahat ng ’yun and then nakakabuo ka ng mark, ng significance, nakakatuwa,” bungad ni John Lloyd.

Next year malamang na siya raw ulit ang tanghaling Box-Office King dahil sa laki ng kinita ng movie nila ni Sarah Geronimo na You Changed My Life In A Moment na ipinalabas last February this year. “Well, mahaba pa ang tatakbuhin ng 2009. Kaya hindi pa natin masasabi but siyempre ako naman gusto ko ‘yun ‘di ba? Sabi ko nga napaka-sarap ng pakiramdam na pagdating ko ng edad na medyo down the road na at babalikan ko itong mga years na ito, ang sarap balikan na pinakamaring nanonood ng pelikula mo that year. So, sana, sana.”

Nagbigay naman ng kanyang pahayag si John Lloyd sa comment ni Eddie Guttierrez sa pagkakaibigan nila ni Ruffa. “Well, natutuwa ako na na-meet ko na sila finally. Ah, kumbaga, ‘yung parang ‘di ba hindi naman kailangan ng validation ng friendship ‘di ba? As long as malinis naman ‘yung intesyon mo bilang kaibigan. Hindi ka naman nanggagamit. So, parang hindi ka naman, kagaya nu’ng kapag nakikipagkaibigan ka naman sa ano, hindi mo naman ipinagpapaalam sa mga magulang nila. So, ganu’n-ganu’n lang ‘yon. Nakakatuwa naman na uhm, welcome tayo sa bahay nila. Kami nina Mr. M (Johnny Manahan) nagpunta kami doon, so, nakakatuwa naman din.”

Sabi pa ni Eddie sa “The Buzz” sa kanyang palagay na malalim na ang friendship ng anak niya at ni John Lloyd. “Kami naman ni Ruffa talaga, medyo lumalim nga ’yung friendship namin since latter part ng ‘(I Love) Betty.’ Uhm, kagaya niyan ’yung custody case napagkwe-kwenuthan namin at saka hindi lang ako. Isang group ito na talagang nagkaroon ng magandang foundation ‘yung friendship. Together with Meryll Soriano,  Joem Bascon, si Thou Reyes, si Vhong (Navarro). Kasi kami ‘yung madalas na nagkasama-sama bandang dulo na ng pagtatapos ng ‘Betty.’ So, ayun, I guess makikita naman natin.”

Kailan sila nagpunta sa bahay ng mga Gutierrez? “Ah, after the (birthday) presscon. Remember sinabi ko sa inyo na I was planning to talk to  Tita Anabelle in private. So, ayun.” Kamusta naman ang naging pag-uusap nila? “Okay naman. Wala namang ganu’ng usap  na  nangyari. It was a very casual dinner. Kwentuhan lang about, you know, things na, work related. ‘Yun nga, pero nothing really personal. Kasi syempre, sila Tita Anabelle naman and Tito Eddie parang nirerespeto siguro naman nila ‘yung, I mean, medyo, ayokong  sabihin na may edad. Pero ‘di ba?  Parang…’yun.” Ano ang sinabi  sa kanya ni Anabelle na nag-marka sa kanya? “Wala naman. Wala namang ganu’ng ano….marka.  Nu’ng paalis na kami, jokingly, tinanong niya, ‘E, totoo ba ang balita na kayo talaga ng anak ko?’ Hahaha! Natawa lang ako sa kanya.  Sabi ko, ‘Tita, hindi po. Hindi po.’ Kasi, ayun, sinabi ko  kay Ruffa, ‘Mommy mo, o. Tinatanong ako.’ Ganu’n lang.”

Sabi pa ni Eddie masaya naman daw siya na kaibigan si John Lloyd ng anak niyang si Ruffa. “Alam ninyo ‘yung happiness naman nanggagaling naman ‘yan sa iba’t ibang sources ‘no. Uh, si Ruffa masayahing tao. Alam niya kung paano i-dirstibute ang energy niya. Alam niya kung saan niya kinukuha ang tamang energy na nagkakaroon siya para i-represent ang kanyang being, you know, as a human being. So,  hindi lang naman ‘yung friendship namin ang manifestation noon. Kasi, nagkakaroon ng ibang ibig sabihin, e. Kami, si Ruffa maramign kaibigan. Ah, once nakapunta ako sa party niya at nakita  ko kung gaano karaming kaibigan meron siya, .Ah, it  only goes to show na isa siyang masiyahang tao kasi palakaibigan siya, eh. So, ang dami. Ang daming nangyari sa career niya ngayon. Maraming magandang nangyayari sa career niya ngayon. I think ‘yung custody case niya sa dalawang bata, okey naman,. Maganda ang tinatakbo ng kaso. So, maraming dahilan para maging masaya si Ruffa. Iba kasi ‘yung kapag nadamay ang pangalan ko. Parang iba na ang dating,” sagot naman ni John Lloyd.

Kanino nanggaling ‘yung first move na magpunta sila sa bahay ng mga Gutierrez? “Well, sabi ni Ruffa sa akin, parang baka ano, baka mas maganda kung ma-meet  mo ang Mommy ko, na magkakilala kayo. Ma-meet mo siya  formally. So, sabi ko, nu’ng  una I’m quite hesitant about it kasi parang  ano ba ito? Parang  bakit ko nanan kailangan pa’ng ma-meet? Eh,  parang nagkakilala naman kami before. So, pero ayun, kumbaga, nag-offer din naman si Tita Mariole (Alberto) and Mr. M na parang ‘Tara, puntahan natin. Para mas makilala mo rin talaga si Tita Anabelle formally.’ Ayun, on the second thought, sabi ko, ‘Yeah, sige, sige.” Ano ang mga unang sinabi sa kanya ni Anabelle pagtuntong nila ng bahay ng mga Gutierrez? “Wala naman.. Normal, parang, uhm, kasi magkakilala naman talaga kami ni  Tita Anabelle. Sabi niya, ‘Mommy, sila.’ Sina Mr. M din kasabay naming pumasok. So, normal. Kung paano ka papakilala.”

Ngayong nagkausap na sila ni Anabelle, nakaramdam ba siya ng relief? “Sa akin naman kasi, wala namang ano, dati  naman kasi walang tinik na nakabara sa akin.  Ah, ang sa akin lang, parang eto ‘yung bagay  na hindi ko nakita na nakita ni  Ruffa at ng management ko na parang, kasi idea nila ito, e. sa akin lang, yes, bakit hindi? So, nireconsider ko ‘yung idea and sumama ako. Tingnan mo kung ano ’yung nagawa niya. Parang naging mas maganda ang lahat, mas luminaw. Ah, very openly pwede naming pag-usapan. Kasi parang ‘di ba? Wala naman kaming  kailangang itago kay Tita Anabelle at sa akin na sino. So,’yun lang ang gusto ko. Once and for all, sabi ko nga ‘di ba, ang layo na ng tinakbo ng isyu na ito. Ah, sana matapos na kasi ano, e, ‘di ba nga parang binabanggit ko kanina sa The Buzz parang may mga areas siya na medyo nadaplisan na hindi naman dapat tumama ‘di ba? So, ngayon, at least, I’m leaving the country na alam ko’ng mas malinaw ang lahat.”

Umalis na ng Pilipinas si John Lloyd patungong US kahapon.  Sa Amerika na rin magse-celebrate ng kanyang birthday si Lloydie today, June 24. “At least, bago  ako umalis, malinis na ang lahat. Maganda rin siguro, kung may naidulot man ‘yung dinner na ‘yon eto ‘yun. And napaka, ang galing  ni Ruffa kung paano niya naisip na parang ’di ba? Eto siguro ‘yung paraan para maging okey na rin ang lahat. At least ngayon, tama ka. Aalis ako ng bansa and medyo maganda. Malinaw yung mga iiwan ko,” wika pa nito sa interview. Aasahan ba ng mga fans niya na sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas ay malaking pagbabago kay John Lloyd  ngayong nagkausap na sila ng ina ni Ruffa? “Hindi naman. Basically,  ganu’n pa rin. Ah, siguro pagbalik ko lang mas may baon tayong good news. Kasi manggagaling kami sa dalawang US concerts,” tapos ni John Lloyd.

Related Articles and Link

The ABS-CBN ForumsSend us your feedback


ANC & TV Patrol first to use Weather Central in the Philippines
ABS-CBN acquires most advanced weather forecasting system.
ABS-CBN’s recurring net income up by 1% for the first quarter
The consolidated net income of ABS-CBN Corporation, egistered P306 million for the first quarter of 2012.
'The X-Factor Philippines' begins the search for the next singing superstar
The celebrity judge-mentors will soon tour the country together with host KC Concepcion.
See all articles...

© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers