Thursday, May 17, 2012
Maricar Reyes appears in May Bukas Pa and topbills Your Song Presents
by Ivan Cruz | June 25, 2009 9:05 AM | 

Marami ang humanga sa kagandahan ni Maricar Reyes sa 17th Anniversary celebration ng Star Magic noong nakaraang linggo sa ASAP '09.  Isa siya sa mga bagong mukha ng Star Magic na ipinakilala kasama si Zaijian Jaranilla, ang 'Miracle Boy' na si Santino.  Ayon mismo sa Star Magic at Kapamilya Network, hindi pa ito ang huli sa kanyang mga appearances.

Sa mga hindi nakakaalam, nakapagtapos si Maricar ng kursong BS Biology at lumabas na sa ilang TV commercials.  Unang nakita ang husay ni Maricar Reyes sa pag-arte sa teleseryeng I Love Betty La Fea bilang 'Candy', bilang ex-girlfriend ni Armando (played by John Lloyd Cruz). Ngayon naman, sasabak si Maricar sa isa na namang teleserye at makakasama niyang muli ang bago niyang kapamilya sa Star Magic na si Santino, sa susunod na linggo sa May Bukas Pa.

Ayon sa creative team ng May Bukas Pa, isang napakagandang istorya ang kanilang nabuo para sa kanya. Gaganap si Maricar bilang isang 'taong grasa'. Samantala, nagsimula naring mag-taping ang unang serye na pagbibidahan ni Maricar. Ito ang Your Song Presents: Gaano Kita Kamahal na mapapanood na rin malapit na malapit na. Isang Piano teacher siya dito na magmamahal ngunit mabibigo sa buhay dahil sa pagsunod niya sa kanyang puso. Makakasama niya sina Jodi Sta. Maria,  Sid Lucero, Boom Labrusca, Bettina Carlos at Quintin Alianza. Full-support naman kasama ng mga cast, staff at crew ng Your Song Presents: Gaano Kita Kamahal ng sorpresahin si Maricar sa kanyang birthday noong Sabado, June 20 sa promo shoot ng show. Ipinagdiwang nila ang ika-25th birthday ni Maricar.

Related Articles and Links

The ABS-CBN ForumsSend us your feedback


ANC & TV Patrol first to use Weather Central in the Philippines
ABS-CBN acquires most advanced weather forecasting system.
ABS-CBN’s recurring net income up by 1% for the first quarter
The consolidated net income of ABS-CBN Corporation, egistered P306 million for the first quarter of 2012.
'The X-Factor Philippines' begins the search for the next singing superstar
The celebrity judge-mentors will soon tour the country together with host KC Concepcion.
See all articles...

© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers