Gerald’s intention to work with a new leading lady raises comments from Kimerald fans |
| by Heidi Anicete | June 27, 2009 1:00 AM | |

Sa minsang naging panayam sa kanya, inamin minsan ni Gerald Anderson na gusto niyang makatambal sa isang proyekto ang kapwa Kapamilya star na si Erich Gonzales. Nang mabalitaan naman ito ng dalaga, di niya maiwasang maflatter sa pagpili sa kanya ng kasalukuyang lubos na hinahangaang aktor. Ayon sa kanya, it will in fact be a great honor to work with someone like Gerald na talaga naman raw nag-uumapaw sa talento. Sa kasamaang palad, tila hindi ata ito nagustuhan ng Kimerald fans dahil nang mabalitaan itong posibilidad ng pagkakaroon ng love triangle ay iba’t ibang violent reactions na ang unti-unting nagsulputan mula sa nasabing grupo. Maging sa naging poll kanina ng SNN na tumatalakay sa reaksyon ng bayan patungkol sa pagbubukas nina Kim at Gerald sa iba pang posibleng kapartner, umangat pa rin ang matinding pag-ayaw matapos nitong kunin ang majority ng votes na sumusumang 91.33 percent.
Sa nasabing pagproprotesta naman ng mga fans ng love team nila ni Gerald, inamin naman ng kapareha ng binata na si Kim Chiu ang pagkagalak sa manifestation ng matinding pagsuporta sa kanila ng mga ito. Para sa kanya, ang pag-ani raw ng ganitong uri ng mga reaksyon sa karamihan ay nagpapakita lamang kung gaano kasolido ang mga fans nilang dalawa ni Gerald sa tagumpay ng tandem nila. Ngunit kahit ganito pa man, sinubukan pa rin niyang kunin ang pang-unawa nito sa mga pagkakataong tulad nito na kakailanganing magcareer move ang bawat isa sa kanila on their own—tulad na lamang ng pagpapahayag ng Star Magic ngayon na balak nilang ipagtambal sina Gerald at Sarah Geronimo sa isang upcoming project. Bilang maamong pagsuyo sa mga die-hard fans nila, ang tanging iniwan na lamang na mensahe ng dalaga’y “bigyan natin sila ng chance.”
Related Articles and Links

