Sunday, November 08, 2009
Tonton Gutierrez and Precious Lara Quigaman to receive honors from the Philippine National Police
by Napoleon Quintos | July 04, 2009 1:19 AM | 

Isang pagkilala ang tatanggapin nina Tonton Gutierrez at Precious Lara Quigaman mula sa Philippine National Police. Ang dalawang artista ng May Bukas Pa ay kabilang sa mga special awardees ng PNP sa kanilang 14th Police Community Relations Month celebration. Sa nasabing okasyon ay paparangalan ng PNP ang ilang units, personnel, organisasyon, at ilang taong nakatulong sa pag-iibayo ng mabuting relasyon ng pulisya sa komunidad.

Ang PNP ay nagpadala ng isang liham-imbitasyon sa Production Manager ng May Bukas Pa na si Ethel M. Espiritu. Nais ng PNP na dumalo sina Tonton at Lara nang naka police uniform sa kanilang flag ceremony sa July 6, 2009 kung saan ibibigay ang kanilang parangal.

Mukhang natuwa ang pamunuan ng PNP sa pagiging magandang ehemplo nina Tonton at Lara sa May Bukas Pa. Sa top-rating primetime teleserye ay gumaganap sina Tonton at Lara bilang sina Mario at Selda, ang mag-asawang pulis na naninilbihan nang tapat sa barangay Bagong Pag-asa. Sinasabing ang mga karakter ng dalawang aktor ay naglalayong ibahin ang imahe ng mga pulis at maibalik ang tiwala ng mga mamamayan sa mga kinikilalang law enforcers.

Related Link

The ABS-CBN ForumsSend us your feedback


Kris Aquino says her brother’s video campaign with the stars was all a labor of love
Kris Aquino specially thanks friends like Ai-ai Delas Alas and Ogie Alcasid who joined the Aquino family’s campaign for Sen. Noynoy Aquino because of their personal convictions.
Ai-Ai de las Alas on Mommy Dionisia Pacquiao: ‘Siya ang susunod na Comedy Queen’
Ai-Ai de las Alas says Mommy Dionisia Pacquiao’s acting in ‘Ang Tanging Pamilya’ is definitely something to watch.
Yeng Constantino says she wants an old-fashioned courtship
Yeng Constantino reveals that the reason why she doesn’t have a boyfriend yet is because she believes in traditional courtship.
See all articles...
 
© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers