Kim Chiu on her projects without Gerald Anderson: ‘Nakakalungkot pero siyempre ganyan talaga sa mundo ng showbiz’ |
| by Arniel Serato | July 04, 2009 1:25 AM | |

Mula sa pagiging simpleng teenager ng probinsiya ng Cebu, isa na ngayong tinitingalang teen idol ang tinaguriang Chinese Cutie na si Kim Chiu. At sa halos tatlong taon pa lang nito sa industriya ng showbiz, hindi mabilang na tagumapay na ang kanyang nakamtan. Kabi-kabilang endorsements at top rating teleserye, wala na nga sigurong mahihiling pa si Kim. Isa pang ‘ika nga tagumpay sa kanyang career ang bansag ngayon sa kanya bilang ‘teleserye princess.’
“Siyempre lahat naman ng mga artista nangagarap talaga na maabot yung point na yun gusto talaga nilang maging teleserye princess and ako nagpapasalamat ako dahil ako nga yung sinasabi nilang ganyan, siyempre di ko maabot ito kung di dahil sa director namin lagi niya akong gina-guide. Siyempre sa ‘Tayong Dalawa’ at siyempre sa ABS-CBN family sa tiwala na binibigay nila sa akin.”
Ayon pa sa dalaga, ibang Kim Chiu ang napapanuod ng mga tao sa nasabing teleserye dahil nagkaroon siya ng mas malalim na pag-atake sa kanyang karakter bilang si Audrey. “Ganun kasi pagka-eksena ko yung mga kapwa artista ko din parang mararamdaman mo din yung character nila, parang ikaw nakakalimutan mo na ikaw si Kim parang pumapasok ka sa lugar ni Audrey. Ewan ko nagbabatuhan kami nararandaman naming yung isa’t isa, siguro sa tagal na din naming nagkakasama at naging close na rin kasi kami.” May mga pagkakataon pa daw na ang kanyang mga eksena ay nagkakaroon ng mga iilang takes dahil minsan lumalabas pa rin ang karakter niya bilang si Kim na teenager, taliwas sa karakter ni Audrey na mas mature.
Sa katayuan niya bilang in-demand teen endorser, wala nang mahihiling si Kim sa dami ng mga nagtitiwala sa kanya. “Basta thankful lang ako dahil ako yung pinagkakatiwalaan ng pag-e-endorse ng product nila, and di ko naman sila binibigo kasi gimagamit ko naman lahat talaga yun. Kaya thankful and happy, super happy talaga ako.”
Sa mga nagsilabasang isyu naman na pansamantala daw muna silang paghihiwalayin ng kanyang ka-love-team of three years na si Gerald Anderson, nagparamdam naman ng kalungkutan ang dalaga. “Nalulungkot kasi parang di ako sanay na pag may trabaho ako wala si Gerald kasi magkasama na kami ni Gerald simula pa lang nung lumabas kami ng bahay (Pinoy Big Brother house) so parang iba yung feeling pag iba na yung kasama, pero siyempre ganyan talaga sa mundo ng showbiz sabi nga nila nothing last forever.”
Next year na rin daw siya magpapatayo ng bahay pero ibang iba daw ito sa itsura ng bagong bahay ng ka-love team. “Parang doll house, colorful siya syempre sa kuwarto ko kulay pink, yung sa ibang kuwarto ko yellow, blue, green, violet.”
Related Articles and Links

