Sunday, November 22, 2009
Cristine Reyes still unclear over network switch
by Julie Bonifacio | July 04, 2009 1:29 AM | 

Sinubukan linawin ng ABS-CBN.com sa isang interview kay Cristine Reyes ang isyu ng pag-alis niya sa Kapamilya network. Hindi na ba siya masaya sa palakad ng istasyon sa kanyang career tulad ng mga nababalita? “Ay, hindi,” paunang sagot ng aktres. “Wala akong sinabing ganu’n. Sabi ko palagi, thankful ako dahil sa malaking tiwalang binigay nila. Talagang napakalaki naman noon dahil sobrang bago lang ako binigyan nila ako ng malaking project. So, thankful ako doon dahil pinagkatiwalaan nila ako dahil doon.”

Bakit balita na mago-ober da bakod ulit siya ng network? Dahil ba may mga hindi natupad sa kanilang napag-usapan? “No, walang hindi natupad or whatever. Ah siguro sa akin na lang ‘yung kung anuaman ‘yun. ‘Tsaka inaayos na rin ng manager ko and hinayaan ko na lang din ang manager ko na mag-desisyon dahil siya ang mas nakakaalam. Ako kasi puro emosyon ang pinapatakbo ko, eh. ‘Tsaka siya alam niya kung ano ang mas makakabuti sa akin. Kaya hinahayaan ko na lang siya na magdeisyon para sa akin.”

Ano naman ang masasabi niya sa isyu sa kanila ni Jake Cuenca? Totoo nga ba siya ang nagkalat na may halitosis si Jake? “Hindi ako ‘yun. Sino?” sabi ni Cristine. Sinagot na ni Jake ang isyu at hindi naman siya naniniwala na magagawa ni Cristine ‘yun sa kanya. “Uhm, masasabi ko lang kung saan nanggaling or what basta thankful ako dahil at least si Jake hindi siya naniniwala na sa akin galing ‘yun. Okay kami. Wala namang nangyaring hindi maganda sa amin, so, hindi ko alam kung bakit may lumabas na ganu’n,” tapos ni Cristine.

Related Articles

The ABS-CBN ForumsSend us your feedback


Judy Ann Santos is looking forward to her movie with Sarah Geronimo
Judy Ann Santos hopes her movie project with Sarah Geronimo will push through next year.
‘Super Inggo at ang Super Tropa’ premieres today
ABS-CBN’s first animated series ‘Super Inggo at ang Super Tropa’ features a star-studded voice cast.
ABS-CBN unveils 2010 show line-up
ABS-CBN is set to premiere ‘Tanging Yaman,’ ‘Kung Tayo’y Magkakalayo,’ ‘Kokey,’ ‘Rubi,’ ‘Precious Hearts Romances,’ ‘Gimik 2010,’ and more next year.
See all articles...
 
 
© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers