Vicki Belo on the controversies surrounding her: ‘I’m a good person who makes stupid mistakes sometimes.’ |
| by Bernie Franco | July 06, 2009 1:18 AM | |

Sa gitna ng hindi matapus-tapos na isyu ng sex-video scandal ni Hayden Kho, nakapanayam ni Boy Abunda si Dr. Vicki Belo para sa The Buzz kahapon at pinanindigan ang paniniwala niyang may kinalaman ang mga kaibigan ni Hayden na sina Eric Chua, Bistek Rosario at Princess Velasco sa pagkalat ng mga video scandal. Nilinaw rin ng doktor na wala siyang sama ng loob sa tatlo sa kabila ng mga pangyayari. “I don’t hate you at all. Let’s pray all together that the truth would come out and that we would all be over with this (issue) and get on with our lives and be able to move on,” mensahe ng Dr. Vicki.
Itinanggi rin niya ang mga nasusulat na balitang nagkabalikan sila ni Hayden sa kabila ng lahat ng nangyari. “We’re not together. If you’re asking me, am I in love with him? Am I going to be with him? Do I see ourselves spending the rest of our lives together and going off to the sunset and going to have a wonderful relationship? No,” paglilinaw nito.
Dalawa lang umano nag pinagsisisihan niya sa pagkakasangkot niya sa isyung ito, at ito ay ang pagiging apektado ng kanyang 82-anyos na ina at dalawang anak, sina Cristalle at Quark Henares. Alam umano ng kanyang ina ang lahat ng nangyayari at lubos umano siyang nasaktan nang itanong sa kanya ng ina kung mayroon ba talaga siyang sex video. Gayunpaman, umaasa pa rin siya na ipinagmamalaki pa rin siya ng kanyang mga magulang. “I hope I’m not such a disappointment to you. I know they are very proud of me pero sana naman you’re still proud of me kasi I know I’m a good doctor, I know I’m a good daughter. I just don’t know why I get myself into these controversies na parang she (mom) worries about me all the time, and that’s not good,” pag-amin ng doktor.
Sa kanyang dalawang anak naman, sinabi ng doktor na ipinagmamalaki niya ang dalawa dahil sa katatagang ipinapakita. Nagpapasalamat din siya kina Quark at Cristalle sa pagtatanggol sa kanya sa lahat ng mga negatibong nasusulat tungkol sa kanya. “I’m so proud of what kind of human beings you have become. Thank you so much for supporting me and loving me and defending me. Kahit na nakakahiya kasi mothers are supposed to defend their children but you are doing such a great job of defending your mother,” mensahe ni Dr. Vicki.
Naluha-luha naman siya nang tanungin siya ni Boy kung ano ang sasabihin niya sa sarili sa harap ng mahiwagang salamin. “I think you’re a good person. You just make stupid mistakes sometimes. But you know, you’re right. I’m a work in progress and will learn from this (experience) and I will become a better person after this and I will be able to help more people after this.”
Related Articles

