Is the Piolo Pascual-KC Concepcion romance just a publicity stunt? |
| by Bernie Franco | July 06, 2009 1:42 AM | |

Sa gitna ng mga nasusulat na balita hinggil sa umano’y namumuong pagtitinginan nina Piolo Pascual at KC Concepcion, sinabi ni Piolo sa The Buzz kahapon na malalaman umano ang totoo pagkatapos ng kanilang proyekto, ang upcoming soap series na Lovers in Paris. “Because a lot of people are thinking that I’m just doing this for the show,” paliwanag ng aktor. Marami kasi ang nag-iisip na “promo” lamang ang namumuong magandang relasyon ng dalawa.
Gayunpaman, sinabi ni Piolo na mas maganda ang relasyon niya sa anak ni Sharon Cuneta dahil madalas silang magkasama. “Mas komportable kami ngayon (sa isa’t isa). Magkasama kami sa Paris (France) for a month and we’re taping almost everyday. Lagi naming nakikita ang isa’t isa, pero siyempre ang sukatan naman d’yan ‘yung pagkatapos ng soap opera.”
Bukod sa Lovers in Paris, abala rin si Piolo ngayon ng pagpo-promote ng kanyang indie movie na Manila na ipapalabas na sa Hulyo 25, na kanya ring ipinrodyus. Nagve-venture na rin kasi ang magaling na aktor bilang producer ng mga pelikula, as a matter of fact, siya ang producer ng launching movie ni Eugene Domingo na Kimmydora. “I wanna grow in this business, not just to limit myself in acting or singing,” ayon kay Piolo tungkol sa pagiging film producer. “I wanna be able to do something else, to broaden myself, and not just to limit myself on TV or sa movies, not just a movie or actor.”
As early as now ay humahakot na ng parangal ang pelikulang Manila ni Piolo dahil nag-premiere ito sa katatapos na Cannes Film Festival at naanyayahan din upang maipalabas sa Moscow International Film Festival. Isa pang award ang nakamtan ng aktor dahil napiling best telenovela ang nakaraan niyang teleserye with Angel Locsin, ang Lobo, sa Bannf Film Festival sa Canada. “Nakakataba ng puso dahil worth the effort ang lahat (ng paghihirap). Sarap ng feeling na ma-recognize ka hindi lang dito kundi sa ibang bansa,” dagdag ng aktor.
Ibinunyag din ni Piolo na magsisimula na siyang mag-shooting ng bago niyang pelikula ngayong buwan, subalit ayaw pang sabihin kung ano ang magiging role niya at kung sino ang makakasama niya. Ang tanging kinumpirma niya ay sobrang excited siya sa gagampanan niyang papel dahil isa ito sa mga pangarap niyang gampanan.
Related Link and Articles

