Wednesday, February 10, 2010
Edu Manzano on his son’s kissing scene with John Lloyd Cruz: ‘I’m excited, para maiba naman’
by MJ Felipe | July 09, 2009 8:07 AM | 

Maganda ang mood ni OMB Chairman and UKG Host na si Edu Manzano nang dumalo ito sa 20th anniversary ng ABS-CBN Foundation sa Meralco Theater. Matagal nang supporter ng ABS-CBN Foundation si Chairman Manzano partikular ang Bantay Bata 163. Kaya naman hindi raw siya nagdalawang isip na dumalo sa naturang okasyon! Habang nandun na rin siya, tinanong namin si Edu tungkol sa napapabalitang pagtakbo ng kanyang ex-wife na si Vilma Santos para sa pagka-Vice President. Hindi ito kinumpirma ni Edu pero sinabi nito na "As you can see naman, we are a family who take our roles as public servants very, very seriously. Whatever it is that she embarks on, I wish her all the best!" pahayag ni Chariman.

Tinanong din namin si Edu kung may balak pa rin ba siyang tumakbo sa pulitika, at biro lang ang nakuha namin. Tungkol naman sa anak niyang si Luis, may balak pa din ba itong tumakbo? "I dont know if you know it, pero nababalita din yung mga ginagawa ng anak ko sa kanyang kapwa. You know, you dont have to be in public office to be a public servant. And my son is quite famous also for his generosity." paliwanag ni chairman.

Nakibalita din kami sa napapabalitang cameo appearance daw niya sa ginagawang pelikula ngayon ni Vilma kasama ang anak nilang si Luis at John Lloyd Cruz. Bali-balita kasing hindi na raw matutuloy ang kanyang pag-gue-guest sa pelikula, na siya namang pinabulaanan nito. Ang kumakalat daw na balita ay gawa-gawa lamang ng kanyang mga detractors sa pulitika at tuloy na tuloy daw ito. "At the end of the movie, ako yung huling frame, yan ang pinangako ko kay Vi!" sagot ni chairman.

Maingay na ngayon pa lang ang controversial kissing scene nila Luis at John Lloyd na kinunan pa sa New York nang mag-shooting sila doon. Ano ba ang masasabi ni Edu tungkol dito? May mga binigay ba siyang mga tips o reminders sa kanyang anak? "I'm very excited, para maiba naman! Ang tagal-tagal na akong nanunuod ng mga pelikula, nakakasawa na yung mga kissing scenes ng mga male and female. Yung mga love team-love team na yan, wala namang kuwenta yang mga yan. Ito ang bago!" pabirong litanya ni Edu. At dinugtungan pa niya ng payo'ng pinaabot niya kay Luis para ma-execute ng maganda ang kanilang kissing scene ni John Lloyd, "Close your eyes para mas lalo mong maramdaman!"

Bilang pagtatapos nang aming pag-uusap, sinabi ni Chairman Edu na ang pelikulang ito ni Luis ang siyang magbibigay ng tatak sa kanya sa industriya ngayon. Maaaring naaaliw sa kanya ang publiko dahil sa kanyang sense of humor, pero ang pelikulang ito raw ang magpapakita ng kanyang seryosong side sa larangan ng pag-arte.

Related Articles and Links

The ABS-CBN ForumsSend us your feedback


John Lloyd Cruz denies involvement in Shaina Magdayao-John Prats breakup
John Lloyd Cruz says people have to respect Shaina and John’s decision to separate ways.
Shaina Magdayao on breakup with John Prats: ‘Nagkulang kami sa isa’t isa’
Shaina Magdayao says she and former boyfriend John Prats both have faults that caused their relationship to deteriorate.
Judy Ann Santos is all set for her second honeymoon
Judy Ann Santos is hoping to get pregnant during her month-long stay abroad.
See all articles...
 
 
© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers