Thursday, May 17, 2012
John Lloyd Cruz finally speaks regarding his controversial photos with Ruffa Gutierrez
by Heidi Anicete | July 15, 2009 8:02 AM | 

Sa unang pagkakataon, nagsalita na si John Lloyd Cruz patungkol sa di umano'y naglipanang kontrobersyal na pictures nila ni Ruffa Gutierrez sa Amerika kamakailan lamang. Sa kanyang pahayag, hindi na niya naitanggi na naapektuhan siya ng nasabing pang-iintriga ng mga tao kahit noon pang nasa Amerika pa siya. Nang kamustahin nga ng SNN ang nasabing pagbabakasyon niya, ito ang naging tugon niya: 'Okay ang bakasyon, refreshing pero di gaanong refreshing...Di naman lingid sa kaalaman ng lahat na wala pa ako dito e pinagpyepyestahan na ang mga pictures na binibigyan nila ng kulay.' Ngunit ayon na nga rin sa kanya, kahit pa inasahan na niya ang pambabato ng mga ganitong uri ng intriga paglapag na paglapag pa lamang niya sa bansa, hindi naman raw siya kailan man natatakot na humarap sa publiko dahil mayroon naman raw karampatang paliwanag ang lahat ng mga isyu na maaari nilang ibato sa kanya.

Di pa man tapos ang intriga sa kanya kaugnay ang di umano'y pakikipagmabutihan nito kay Ruffa, isang intriga na naman ang tila isinasalubong sa pagbabalik-bansa ng nabanggit na aktor. Ayon sa isang lumabas na balita, tila nagtatampo raw ngayon kay John Lloyd ang minsang nakatambal na rin nito sa pelikula, at napabalitang sinusuyo, na si Sarah Geronimo. Naging kapansin-pansin raw noong linggo sa ASAP ang pagiging malamig ng Pop Princess sa binata. Maliban sa pagiging iwas nito sa pagtingin ng diretso sa mga mata ni John Lloyd, tila wala raw ang dalaga sa mood na makipagkulitan tulad ng madalas nilang gawin dati. Nang subukan namang usisain ng SNN si Sarah ukol sa nasabing balita, agad niyang pinabulaanan ang nasabing mga haka. Ayon sa kanya, okay lang naman daw sila ni John Lloyd at walang kahit na anong problemang namamagitan sa kanila ngayon. Sadya lang daw matagal na silang hindi nagkikita, dahilan marahil para bahagyang magkahiyaan sila sa muling pagsasama on-screen. 'Hindi naman deadma. Parang medyo 'di lang maiwasan na nagkakailangan...Naninibago lang po siguro kami' maikling paliwanag niya.

Related Articles and Links

The ABS-CBN ForumsSend us your feedback


ABS-CBN’s recurring net income up by 1% for the first quarter
The consolidated net income of ABS-CBN Corporation, egistered P306 million for the first quarter of 2012.
'The X-Factor Philippines' begins the search for the next singing superstar
The celebrity judge-mentors will soon tour the country together with host KC Concepcion.
Kathryn Bernardo feels like royalty with 'Princess and I' high-ratings
The young actress is thankful to all the viewers who keep the teleserye at the top of the ratings game.
See all articles...

© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers