Saturday, March 20, 2010
John Lloyd Cruz and Liz Uy meet again
by Heidi Anicete | July 23, 2009 7:48 AM | 

Sa press conference ng latest product endorsement ni John Lloyd Cruz, tila agaw eksena ang di umano'y muling pagkikita ng binata at ng dating karelasyon nitong stylist na si Liz Uy. Kasabay daw di umano ng pag-abot ni John Lloyd ng prize ni Liz, na siya namang nanalo sa paraffle sa event noong gabing iyon, ay isang masuyong yakap na tila nagpapakitang in good terms na ngayon ang dalawa matapos ang paghihiwalay nila kamakailan lamang.

Matapos ang event, sinubukang kunin ng SNN ang panig ni Liz kaugnay ng nasabing pangyayari; ngunit sa kasamaang palad ay tila naging iwas pa rin ito sa pagharap sa camera at pagbibigay ng komento; kaya naman minabuti na lamang ng SNN na si John Lloyd na mismo ang lapitan patungkol dito. Sa naging maikling panayam, inamin ni John Lloyd na kahit papaano ay namiss niya ang dating girlfriend na si Liz kaya ganon na lamang ang naging reaksyon niya nang muli silang magkita ng dalaga. 'Yung embrace, it felt good...I was very happy to see her dahil di na kami madalas magkita ngayon' pagbibigay diin niya.

Maliban sa naging takaw-atensyong eksena nilang dalawa ng dating nobya, isa pang naging kapansin-pansin kay John Lloyd noong gabi ng kanyang press conference ay ang bagong look na dinadala niya ngayon. Nang tanungin siya ng SNN kung ang kanyang sudden make-over ay may kinalaman sa kasalukuyang buhay pag-ibig niya, patawa-tawa siyang tumugon na ang natatanging pag-ibig niya sa ngayo'y nakatuon lamang sa dalawang mahahalagang bagay sa buhay niya: ang kanyang career at ang kanyang mountain biking. Upang tuluyan nang ipaliwanag ang kanyang biglaang change of image, agad naman niyang sinabi na parte lamang daw ito ng upcoming movie niya with one and only Star for All Seasons Vilma Santos na ipapalabas sa paparating na buwan ng Setyembre.

Related Articles and Links

The ABS-CBN ForumsSend us your feedback


‘ASAP XV’ launches new Kapamilya summer station ID live in Boracay
‘ASAP XV’ launches ABS-CBN’s advocacy campaign via live streaming on March 21.
Director Mae Cruz reveals juicy details about Anne Curtis and Sam Milby
‘Babe I Love You’ director Mae Cruz explains the real deal behind Anne Curtis and Sam Milby’s much-speculated romance.
Jericho Rosales supports Kristine Hermosa’s team-up with Oyo Sotto
Jericho Rosales is dismayed over criticisms about Kristine Hermosa’s relationship with Oyo Sotto.
See all articles...
 
© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers