Sunday, May 26, 2013
Sandara Park on new found fame in Korea: ‘Parang dream lang, parang hindi ako makapaniwala’
by BernieFranco | July 27, 2009 12:09 AM | 

Sinabi ni Sandara Park na miyembro ngayon ng all-female singing group na 2NE1 ng South Korea na magkaibigan sila ni Koo Hye Sun o Geum Jan Di ng popular na Korean TV series na Boys Over Flowers. Nasa ilalim kasi ng parehong management arm sina Sandy at Hye-Sun, ang YG Entertainment. “Friend ko rin siya kasi taga-YG din siya at kilala ko siya since 2004,” sambit ni Sandara sa panayam sa kanya ng Entertainment Live na dumayo pa sa South Korea. Inilarawan ni Sandy si Hye-Sun bilang masayahing tao at sobrang talented.

Samantala, sinabi ni Sandara na ang kanyang tinatamasang kasikatan ngayon sa kanyang sariling bansa ay katuparan ng isang pangarap. “Parang dream lang, parang hindi ako makapaniwala na nangyayari ito,” pangungumpisal niya. “Pero happy and sobrang thankful.”

Ang grupong 2NE1 ay inilunsad lamang noong Mayo subalit mabilis na nakilala dahil sa sunud-sunod na hit songs nila. Kahit nga ang Pilipinas ay saksi sa husay ng grupo dahil sa naabot ng kanilang single na “Fire” ang top spot sa MYX Channel.

Masaya ring ibinalita ni Sandara na willing silang bumisita sa Pilipinas at sa ngayon ay naghihintay lamang sila ng imbitasyon. “Game na game kami,” sagot ng pambansang krung-krung. “Gusto kong mag-concert sa Araneta (Coliseum) pero magge-guesting muna kami sa ASAP ’09.”

Matagal ding nanirahan sa Pilipinas si Sandara at for a time ay naging sikat din nang maging first-runner up sa pinakaunang season ng Star Circle Quest. At kahit naka-base na ngayon sa South Korea, mahusay pa rin siyang mag-Tagalog at patuloy ang komunikasyon sa mga kaibigan dito sa Pilipinas.

“Nami-miss ko ang sinigang na hipon, pinakbet, dried mangos, syempre mga friends ko,” pag-amin ni Sandy. “Nami-miss ko yung mga friends ko sa SCQ Reload (TV series) at siyempre ang ASAP ‘09.” Sa mga showbiz friend niya ay patuloy pa rin ang komunikasyon niya kina Roxanne Guinoo at Melissa Ricks through text messaging, email at minsan ay nagcha-chat.

Related Articles

The ABS-CBN ForumsSend us your feedback


NBA Eastern and Western Conference Finals air on ABS-CBN and Studio 23
The road to the NBA finals continues as the four remaining teams battle it out for a shot to win the coveted Larry O’Brien Trophy.
Goin' Bulilit Kids have fun in the sun in Cebu
Summer fun is not yet over for the wacky kids of Goin’ Bulilit as they invade Cebu.
Ted Failon probes implementation of K-12 curriculum in the country
'Failon Ngayon' investigates the impact of the K - 12 basic education curriculum reform program, which was implemented by the Department of Education last year, on impoverished Filipino families this Saturday (May 25).
See all articles...

© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers