Thursday, May 17, 2012
Sarah Geronimo excited with her upcoming movie with Judy Ann Santos
by Heidi Anicete | July 28, 2009 12:46 PM | 

Kanina sa SNN, masayang ibinahagi ng Box Office Princess na si Sarah Geronimo ang excitement niya sa di umano’y paparating niyang project kasama ang tinagurian namang Box Office Queen na si Judy Ann Santos. Kakaiba kung ituring ni Sarah ang nasabing project. Gawa na rin ng katotohanang ang mga pelikulang nagawa niya noon ay mas focused sa genre ng romantic-comedy, tinitignan niya bilang isang napakalaking hamon ng ngayo’y hinihintay na lamang niyang aprubahang project na sinasabing nakatuon naman sa drama ang tema. Ayon nga sa kanya, “Medyo challenging [ito] bilang actress... Ay! Hindi pala medyo. Challenging talaga [laughs].”

Maliban sa mismong challenge sa husay niya sa pag-arte, isa pang nakikitang malaking hamon ni Sarah sa nasabing movie project ay ang siya namang pagtatambal sa kanya sa ngayo’y di na rin matatawarang institusyon sa larangan ng drama. Pagbibigay diin nga niya sa opportunity na ibinibigay sa kanya, “Blessing na naman from God na makatrabaho ko ang nag-iisang Judy Ann Santos.” At bunsod na nga rin nito, hindi naman niya mapigilan ang lubos na pagpapasalamat sa di umano’y pagtitiwala at walang tigil na suporta sa kanya ng kanya di umanong ABS-CBN at ASAP families. Ayon pa sa kanya, isa na raw marahil ito sa mga nasisiguro niyang hindi niya malilimutang birthday gift sa kanya.

On the other hand, tila maski si Judy Ann ay kakikitaan ng excitement sa nabanggit na project na ito. Aminado rin si Judy Ann na sadyang bilib na bilib raw siya sa kakayahan ni Sarah, at nasisiguro niyang lubos pang mahahasa ito sa napipintong pagpasok ng dalaga sa larangan ng drama. “I’m just hoping na yung konseptong mabigay samin ay maganda at maaappreciate ng mga tao” wishful thinking naman ni Judy Ann; nang sa gayon raw ay mas lalo pang hangaan ng publiko ang multi-talented at isa sa mga hinahangaang aktres ngayon sa publiko na si Sarah.

Related Articles and Links

The ABS-CBN ForumsSend us your feedback


ANC & TV Patrol first to use Weather Central in the Philippines
ABS-CBN acquires most advanced weather forecasting system.
ABS-CBN’s recurring net income up by 1% for the first quarter
The consolidated net income of ABS-CBN Corporation, egistered P306 million for the first quarter of 2012.
'The X-Factor Philippines' begins the search for the next singing superstar
The celebrity judge-mentors will soon tour the country together with host KC Concepcion.
See all articles...

© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers