Thursday, March 18, 2010
Aga Mulach gives Kris Aquino a short comforting message
by Heidi Anicete | July 29, 2009 7:44 AM | 

Unti-unti'y tinatayang nanghihina na ang katawan ng dating pangulo na si Cory Aquino. Kahapon, napabalitang mula sa kanyang colon ay nag-umpisa na ring maapektuhan ng cancer cells ang atay niya at gawa na rin ng maselang kondisyon niya ito'y pinayuhan na rin daw di umano ito ng mga doktor na huwag nang sumailalim ng chemotheraphy dahil baka mas makasama lamang ito sa kondisyon niya.

Patuloy man ang mga manipestasyon ng panganib sa kalagayan ng 76 na taong gulang na dating pangulo ngayon, nananatili pa rin daw buhay na buhay ang pag-asa ng pamilya at mga kaibigan niya. Di pa rin nagpapatinag ang malawakang pagdarasal ng buong mundo kaugnay ng pagbuti ng kondisyon ng minsan nang naging ina ng ating bansa't naging pangunahing simbulo ng ating demokrasya. Kaugnay rin nito, kanina sa SNN ay nagpaunlak ng isang maikling pahayag si Aga Muhlach upang iparating ang kanyang pakikisimpatya sa mabuting kaibigan na si Kris Aquino at buong nitong pamilya na sama-samang lumalaban sa tila malaking dagok na pinagdadaanan nila ngayon. "Hi Kris, I know how it feels. Just hang in there. We are praying for your family and for your mom. Basta hang in there" maikling comforting message ni Aga sa kaibiga't katrabahong sa mga oras na ito'y mas minabuti nang maglaan ng oras kasama ang buo niyang pamilya, partikular na ang nagaagaw-buhay na ina.

Related Articles

The ABS-CBN ForumsSend us your feedback


Jericho Rosales on his current relationship: ‘I’m really happy. I just don’t want to talk about it’
Jericho Rosales says keeping quiet about his love life is a lesson he has learned from his past relationships.
Eddie Gutierrez on ABS-CBN: 'I am very happy to be here'
Eddie Gutierrez is happy to be back on ABS-CBN.
The Gutierrez family gets a back-to-back triumph in judicial court
Aside from Ruffa Gutierrez’s win over her children’s custody case, it has also been reported that her brother Richard’s reckless imprudence case is now dismissed.
See all articles...
 
 
© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers