Thursday, May 17, 2012
And I Love You So's premiere a great success
by Heidi Anicete | August 12, 2009 7:44 AM | 

Kahapon (August 11) ay dinagsa ng mga fans ang Trinoma Mall upang saksihan ang pinakaaabangang movie premiere ng newest movie offering ng Star Cinema na And I Love You So. Todo-todo di umano ang suporta ng mga fans, pati na rin ng ilang kilalang pangalan sa industriya, sa nasabing event. Maaga pa lamang daw ay naging kapansin-pansin na ang dami ng mga taong nakapila sa cinema lobby ng nabanggit na mall; at patuloy raw nagdagsaan ang mga tao dito hanggang sa isa-isa na ngang dumating at dumaan sa red carpet ang mga bida ng nasabing pelikula na sina Bea Alonzo, Sam Milby at Derek Ramsey.

Bunsod na rin ng di inasahang pagbaha ng mga tao sa premiere night nila, di naman maitago ng tatlong bida ng pelikulang And I Love You So na matuwa. Pagbibigay diin nga ni Sam sa kanyang maikling panayam, "I am very happy na maraming nagpunta dito para suportahan ang movie namin." Bahagya mang kabado, sadyang very proud at excited daw sila na ipakita sa publiko, sa kauna-unahang pagkakataon, ang final output ng kanilang trabahong talaga namang pinaghirapan nilang gawin these past few months.

Simula August 12, mapapanuod na sa mahigit 100 cinemas nationwide ang pelikulang And I Love You So. Tinatayang unang pagtatambal nina Bea, Sam at Derek sa big screen ang movie na ito kaya naman di raw talaga ito dapat palampasin. Maliban dito, sinasabing comeback movie na rin ito ng batikang direktor na si Lauren Dyogi matapos ang di umano'y pagkawala niya ng halos limang taon sa larangan ng pelikula, kaya naman tunay itong kaabang-abang.

Related Articles and Links

The ABS-CBN ForumsSend us your feedback


ABS-CBN’s recurring net income up by 1% for the first quarter
The consolidated net income of ABS-CBN Corporation, egistered P306 million for the first quarter of 2012.
'The X-Factor Philippines' begins the search for the next singing superstar
The celebrity judge-mentors will soon tour the country together with host KC Concepcion.
Kathryn Bernardo feels like royalty with 'Princess and I' high-ratings
The young actress is thankful to all the viewers who keep the teleserye at the top of the ratings game.
See all articles...

© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers