Thursday, May 17, 2012
Sandara Park returns to the Philippines for a short vacation
by Bernie Franco | August 13, 2009 8:23 AM | 

Magbabakasyon si Sandara Park ng tatlong araw sa bansa mula Agosto 13 hanggang 15. Vacation mode kasi ang kanyang all girl-group na 2NE1 ngayon sa South Korea at lahat ng miyembro ay magbabakasyon din. Napiling gugulin ni Sandy ang kanyang oras dito sa bansa dahil dito siya lumaki, nagkaroon ng mga kaibigan at unang nakilala sa mundo ng showbiz.

Hindi rin puro pahinga ang kanyang gagawin dito dahil marami siyang nakalinyang showbiz commitments sa Kapamilya network pagdating niya. Magkaroon siya ng guesting sa morning talk show na Ruffa And Ai at sa Sabado sa Entertainment Live naman. Nakatakda din siyang magkaroon ng chat sa ABS-CBN Interactive ngayong Agosto 13, Huwebes nang alas-singko ng hapon.

Kapag libre naman siya, gusto ni Sandara na mamasyal kagaya na lamang sa Tagaytay kasama ang kanyang mga kaibigan sa ABS-CBN. Nakatakda rin siyang magkaroon ng reunion kasama ang ka-batch sa Star Circle Quest kagaya nina Melissa Ricks, Neri Naig, Joross Gamboa, Joseph Bitangcol, Raphael Martinez, at Errol Abalayan. Samantalang posibleng hindi makadalo sina Hero Angeles, Roxanne Guinoo at Michelle Madrigal dahil sa kanilang mga taping.

Sa kasalukuyan ay muling lumilikha ng pangalan si Sandara simula nang bumalik sa South Korea at mapabilang sa 2NE1. Patuloy rin ang paghakot ng mga award ng nasabing all-girl band bilang promising new act at kahit sa Pilipinas ay unti-unti na silang nakikila. Sa katunayan, kahit nga sa MYX hit list ay nanguna na ang kanilang debut single na “Fire.”

Chat with Sandara Park on August 13, 5 pm on chat.abs-cbn.com

Related Articles

The ABS-CBN ForumsSend us your feedback


ANC & TV Patrol first to use Weather Central in the Philippines
ABS-CBN acquires most advanced weather forecasting system.
ABS-CBN’s recurring net income up by 1% for the first quarter
The consolidated net income of ABS-CBN Corporation, egistered P306 million for the first quarter of 2012.
'The X-Factor Philippines' begins the search for the next singing superstar
The celebrity judge-mentors will soon tour the country together with host KC Concepcion.
See all articles...

© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers