Friday, March 19, 2010
Vilma Santos, John Lloyd Cruz and Luis Manzano all set for In My Life premiere tonight
by MJ Felipe | September 15, 2009 8:19 AM | 

Sa loob ng dalawang linggo'ng masigasig na pagpo-promote ng Star Cinema para sa pelikulang In My Life, talagang dagsa ang mga fans nila Luis Manzano, John Lloyd Cruz at ng Star For All Seasons na si Ate Vi. Ang inyong lingkod ang naging host ng karamihan sa mga mall shows na ito, at kapansin-pansin talaga ang buhos ng mga tao sa mga malls na aming napuntahan. Masipag mag-promote si John Lloyd na halos present sa lahat ng promo tours nila mapa-Maynila o probinsya. Siyempre, nandoon din naman si Luis. Maraming nag-abang sa dalawa at todo ang hiyawan ng mga fans kapag lumalabas na si Luis. Nakikipag-aktingan pa si Luis sa mga contestants kaya enjoy na enjoy talaga ang lahat. Pero iba ang level ng kasikatan ni John Lloyd. Naloloka ang lahat sa kaguwapuhan at dating ng box office king, mapa-lalaki, mapa-babae, matanda man o bata. Dahil game na game ding makipag-kamay, makipag-kawayan at maki-chika si John Lloyd sa mga fans.

Dahil ngayong gabi na ang premiere night at bukas na ang regular showing ng pelikula, excited na silang marinig, makita at maramdaman ang reaksyon ng mga fans sa mga eksenang kinunan nila sa New York at siyempre ang mga kaabang-abang na eksena with Ate Vi. At eto pa ang nakakaloka. Maaga pa lang napakadami na raw tao sa SM City Batangas kung saan ginanap ang unang premiere night ng pelikulang In My Life, kung saan bida ang governor ng naturang probinsya, si Gov Vilma Santos. Dinagsa daw talaga ng mga Batangueno ang premiere night para ipakita ang suporta sa kanilang idolo at governor. Inexpect na nila ang matinding dating ng mga tao, kaya sa premiere night ngayong araw sa SM Megamall at Trinoma, dahil dalawang malls ang kanilang premiere night, binigyan na raw ng hagad ang mga artista para mabilis na makapunta mula Trinoma papuntang Megamall. Talagang full-force ang lahat. Pati ang TV coverage sa naturang event ay full force din dahil live na live na mag-bibigay ng balita ang TV Patrol World at SNN Showbiz News Ngayon. Nagtawag na rin ng staff ang mula sa Creatives Department, TV Production, Star Cinema at Star Records para mag-assist sa grand event na ito!

In all fairness, ground-breaking ang event na ito for Star Cinema na dalawang malls ang pag-dadausan ng premiere night. Kaya ngayon pa lang ay bumabati na kami sa kanilang matindi at bonggang effort! Alas-kuwatro ng hapon ang simula ng Red Carpet show sa Trinoma Mall at Alas-siyete naman sa SM Megamall. Sa mga fans na dadagsa doon, make sure na maaga pa lang ay nandoon na kayo para makakuha kayo ng maganda-gandang puwesto.

Related Link and Articles

The ABS-CBN
    ForumsSend us your feedbackWeb


Jericho Rosales on his current relationship: ‘I’m really happy. I just don’t want to talk about it’
Jericho Rosales says keeping quiet about his love life is a lesson he has learned from his past relationships.
Eddie Gutierrez on ABS-CBN: 'I am very happy to be here'
Eddie Gutierrez is happy to be back on ABS-CBN.
The Gutierrez family gets a back-to-back triumph in judicial court
Aside from Ruffa Gutierrez’s win over her children’s custody case, it has also been reported that her brother Richard’s reckless imprudence case is now dismissed.
See all articles...
 
 
© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers