Ryan Agoncillo says he continues to discover pleasant things about Judy Ann Santos |
| by Arniel Serato | September 23, 2009 8:37 AM | |
Nakausap nang ABS-CBN.com si Ryan Agoncillo kamakailan lamang upang kamustahin ang buhay may-asawa. Super ngiti anman ang ang ganting sagot nito sa amin sabay sabing, "Ayos lang wala pa naman angal si misis." Ilang buwan na rin ang nakalipas simula nang ikasal sila ng misis na si Judy Ann Santos kaya ang tanong ng bayan, hindi pa ba on the way si misis? "Wala hinihintay pa namin."
Nasulat sa isang entertainment site na diumano ay lumapit sa isang doctor ang misis niya upang magpakunsulta at maganda naman daw ang naging resulta nito, siya kaya ay nagpa-kunsulta na rin? "Gabi-gabi nag-che-chekan kami, chine-check namin ang isa't isa kung okay ba hahaha," natatawang sagot ni Ryan.
Hindi lingid sa karamihan na magkasama sa trabaho ang mag-asawa. Isa na nga dito ang George and Cecil sa ABS-CBN na sobrang taas ng ratings. May mga nadi-discover na kaya silang mga ugali na hindi nila nalaman noong magkasintahan palang sila ng misis niya? "Well maraming nadi-discover na nakakatuwa, mayroon ding pag-a-adjustan, pero wala namang bumubulaga, na 'oy bakit ganito,' kumbaga kilalang-kilala na namin ang isa't isa, so yung mga new discoveries namin sa isa't isa ay yung mga ano lang, na tipong nakakatuwa, wala naman yung mga nakakagulat."
Sa ngayon, lumalagare si Ryan sa dalawang TV stations pero ayon sa kanya, hindi naman daw darating ang pagkakataon na pagbabawalan siya ng kanyang home studio na gumawa ng show sa ibang istasyon.
Related Link and Articles


