Friday, March 19, 2010
Willie Revillame at Ruffa Gutierrez nagbistuhan ng love life ng isa’t isa
by Bernie Franco | October 05, 2009 12:10 AM | 

Nagkabistuhan noong Sabado, October 3, sa Wowowee sina Willie Revillame at Ruffa Gutierrez hinggil sa estado ng kani-kanilang love life. Naging guest ang actress-host sa Willie of Fortune portion ng noontime show ng Kapamilya network.

Sinimulan ni Ruffa ang nakatutuwa at nakaiintrigang bistuhan nila ni Willie nang sinabi niyang maraming nililigawan si Willie at panay ang pagpapadala nito ng bulaklak at prutas sa mga napupusuan.

Humirit naman ang Wowowee host nang sinabi nitong hindi siya naniniwala na walang boyfriend ngayon si Ruffa. Bandang huli ay binisto na niya ang The Buzz host na minsan umano ay hiniram ng anak niyang si Meryll Soriano ang kanyang yacht para sa party ng I Love Betty La Fea cast kung saan magkakasama sina Meryll, Ruffa at John Lloyd Cruz na nail-link sa actress-host.

Dagdag pa ni Willie, noong araw na hiniram ng anak ang kanyang yacht ay pinuntahan siya ni Annabelle Rama at itinanong kung magkasama ba sina Ruffa at John Lloyd sa yacht nito. Hindi naman ito ipinagkaila ni Ruffa subalit sinabi niyang 20 tao silang magkakasama at hindi lamang silang dalawa ni Lloydy.

Sa puntong iyon ay ibinisto ni Ruffa na nagpapadadala ng bulaklak at prutas si Willie sa aktres na si Lorna Tolentino. Subalit itinanggi naman ito ni Willie at sinabing baka makasama ang sinabi ni Ruffa sa tunay niyang nililigawan. Bandang huli, parehong itinanggi ng dalawa ang paratang nila sa isa’t isa.

Related Link and Articles

The ABS-CBN
    ForumsSend us your feedbackTFCnow


Jericho Rosales on his current relationship: ‘I’m really happy. I just don’t want to talk about it’
Jericho Rosales says keeping quiet about his love life is a lesson he has learned from his past relationships.
Eddie Gutierrez on ABS-CBN: 'I am very happy to be here'
Eddie Gutierrez is happy to be back on ABS-CBN.
The Gutierrez family gets a back-to-back triumph in judicial court
Aside from Ruffa Gutierrez’s win over her children’s custody case, it has also been reported that her brother Richard’s reckless imprudence case is now dismissed.
See all articles...
 
 
© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers