Vilma Santos returns to the Philippines with donation for flood victims |
| by Bernie Franco | October 12, 2009 12:53 AM | |
Bumalik na sa bansa sina Batangas Gov. Vilma Santos kasama ang buong grupo na bumubuo ng In My Life mula sa international screenings nito sa North America at Canada, hindi lamang dala ang tagumpay, kundi tulong din para sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy ang Pepeng.
Kuwento pa ni Ate Vi, naging malaking struggle para sa kanya ang pagpunta sa ibang bansa habang dito sa Pilipinas ay nasalanta ng baha ang maraming kababayan. Pagdating kasi nina Ate Vi sampu ng kanyang mga kasama sa US ay siya namang pagsalanta ni Ondoy sa Pilipinas. Gayunpaman, sinabi ni Ate Vi na namutawi sa kanya ang commitment sa trabaho, habang pinanindigan din niya ang pagiging gobernador ng Batangas na patuloy ang komunikasyon sa kanyang constituents doon.
Kahit ang kanyang mga kasama sa trip gaya ni Star Cinema Managing Director Malou Santos at ng kanilang director na si Olivia Lamasan ay lumubog ang mga bahay habang sila ay nasa ibang bansa. Sa kabila nito, nanindigan silang lahat na ituloy ang kanilang screening.
Samantala, bilang tulong sa nangyaring sakuna sa bansa, bitbit nina Ate Vi ang donasyon mula sa kinita ng kanilang pelikula sa international screenings nito. Ang ilang bahagi ng kinita ng In My Life, dagdag pa ang donasyon ng mga Filipino community sa mga napuntahang bansa, ay ibibigay nila sa mga naging biktima ng baha.
Related Link and Articles

