Thursday, May 17, 2012
Carlos Agassi finally speaks about his steroids controversy
by Heidi Anicete | October 13, 2009 7:56 AM | 

Mahabang panahong nawala si Carlos Agassi sa mundo ng showbiz bunsod na rin ng pagfo-focus niya sa business ng kanyang ina; ngunit sa kabila ng matagal niyang pananahimik ay patuloy pa rin ang pag-ugong ng mga bulung-bulungan patungkol sa malubhang pagkakasakit di umano niya. Ayon sa mga bali-balita, Carlos is currently suffering from “liver cirrhosis” gawa na rin di umano ng excessive intake niya ng steroids para ma-maintain ang pagiging hunk niya—with to-die-for toned biceps and abs. At sa isang maikling panayam nga sa SNN kanina, agad na itinanggi ng binata ang nasabing mga akusasyon sa kanya.

Ani ni Carlos, his perfectly chiseled body is in fact a manifestation of true hard work. Tinatayang may 14 na taon na rin daw siyang nagwo-work out, since nag-umpisa siya noong 16 years old pa lamang siya. Maikling mensahe na lamang niya para sa mga detractors niya: “Wala po akong sakit. Actually I’m in good health. Yung mga nangiintriga, please tama na.”

Gawa na rin ng matagal na pagliban sa mula sa limelight, aminado rin naman si Carlos na sadyang miss na miss na niya ang showbiz. Matapos daw kasi ang participation niya sa nagdaang Magic for a Cause Fashion Show, hindi niya maiwasang sariwain ang feeling ng pagpe-perform sa harap ng maraming tao. Pagbabahagi nga niya, “Nami-miss ko na ang t.v.; nami-miss ko nang mag-rap... Sobrang miss ko na sigawan ng mga tao... Kung nami-miss niyo na ako mga kapamilya, ako sobrang miss na miss ko na kayo.”

Related Articles

The ABS-CBN
ForumsSend us your feedbackSend us your feedback


ANC & TV Patrol first to use Weather Central in the Philippines
ABS-CBN acquires most advanced weather forecasting system.
ABS-CBN’s recurring net income up by 1% for the first quarter
The consolidated net income of ABS-CBN Corporation, egistered P306 million for the first quarter of 2012.
'The X-Factor Philippines' begins the search for the next singing superstar
The celebrity judge-mentors will soon tour the country together with host KC Concepcion.
See all articles...

© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers