Friday, March 19, 2010
Vilma Santos talks about alleged breakup of Luis Manzano and Angel Locsin
by Bernie Franco | October 19, 2009 3:40 AM | 

Balik trabaho si Gov. Vilma Santos bilang gobernador ng Batangas matapos ang pagpo-focus niya sa kanyang showbiz career para sa pelikulang In My Life. Pinagtutuunan naman ngayon ng pansin ni Ate Vi ang pamumuno sa Batangas lalo na ang mga parteng nasalanta ng bagyong Ondoy.

Samantala, nagsalita na rin ni Ate Vi hinggil sa diumano’y paghihiwalay ng kanyang anak na si Luis Manzano at ang girlfriend nitong si Angel Locsin. “As far as I know, they’re still friends, okay na sa akin ‘yon,” simula ng actress-politician. “I know naman Angel eh, she’s a good person kaya naging malapit din siya sa akin. Si Luis survivor ‘yan pero alam ko nasaktan din siya.”

Idinagdag pa ni Ate Vi na alam niyang broken-hearted man ang anak ay “happy pa rin” ito. Paliwanag ni Ate Vi, dumarating talaga sa buhay ng tao ang mga pagkakataong madadapa subalit ang pinakaimportante naman ay ang pagpapanatili ng respeto at pagiging matatag.

Muling nilinaw naman ni Ate Vi na hindi siya tatakbo para sa isang national position sa kabila ng panliligaw sa kanya ng ilang pulitiko. Kinumpirma rin niya na maagang bumitaw ang asawang si Ralph Recto sa NEDA o National Economic Development Authority dahil tatakbo muli ito para sa pagka-senador. Ani pa ni Ate Vi ipinagmamalaki niya ang kanyang kabiyak dahil may tiwala siya dito.

Sa mga balitang tatakbo ang kanyang dating asawang si Edu Manzano, sinabi ng aktres na sa tingin niya ay qualified naman ang Pilipinas Game KNB? host.

Related Articles and Link

The ABS-CBN
ForumsSend us your feedback


Jericho Rosales on his current relationship: ‘I’m really happy. I just don’t want to talk about it’
Jericho Rosales says keeping quiet about his love life is a lesson he has learned from his past relationships.
Eddie Gutierrez on ABS-CBN: 'I am very happy to be here'
Eddie Gutierrez is happy to be back on ABS-CBN.
The Gutierrez family gets a back-to-back triumph in judicial court
Aside from Ruffa Gutierrez’s win over her children’s custody case, it has also been reported that her brother Richard’s reckless imprudence case is now dismissed.
See all articles...
 
 
© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers