Thursday, May 17, 2012
Angel Locsin says Luis Manzano will always have a special place in her heart
by Heidi Anicete | October 29, 2009 8:21 AM | 

Sa isang maikling panayam sa SNN nito lamang October 19, matapang na sinagot ni Luis Manzano ang mga intrigang pilit pa ring nagli-link sa kanila ng dati niyang kasintahang si Angel Locsin. Kaugnay ng nasabing panayam, nabanggit rin ng naturang aktor na sa kabila ng sinapit ng relasyon nila ng aktres ay nananatili pa ring mayroong nakalaang espesyal na puwang ang dalaga sa puso niya.

At matapos nga ang matagal na pananahimik, kanina sa SNN ay nagsalita na rin si Angel kaugnay ng naturang isyu. Hindi na itinanggi ng dalaga ang muling pagbabalik ng komunikasyon sa pagitan nila ni Luis lalo na nang mag-umpisa ang proyekto nila ni Anne Curtis na Shop and Share para sa mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo. Ani niya, isa raw kasi si Luis sa marami pa nilang masugid na supporter simula noong maitatag nila ang naturang campaign.

Pagbabahagi naman ng dalaga patungkol sa tunay na estado ng kasalukuyan nilang relasyon ng dating boyfriend, "Inaayos namin na maging magkaibigan kami. Marami pa kaming kailangang ayusin." At nang sinubok ngang alamin ng SNN kung ano ang tinutukoy niyang kailangan nilang ayusin, ngumiti lamang siya at sinabing "Well, si Luis na lang siguro dapat magsabi sa inyo."

Katulad ni Luis, inamin ni Angel na hanggang ngayo'y may espesyal na parte pa rin ang dating karelasyon sa puso niya. Paliwanag nga niya, sadyang malalim daw ang pinagsamahan nilang dalawa kaya hindi ganoon kadaling balewalain ito. Ngunit nang direkta siyang tinanong kung hanggang sa kasalukuya'y mahal pa rin niya si Luis, nakangiti siyang tumugon ng "Uhm, ayan yung mga tanong na di ko kayang sagutin sa ngayon."

Related Articles

The ABS-CBN
ForumsSend us your feedback


ABS-CBN’s recurring net income up by 1% for the first quarter
The consolidated net income of ABS-CBN Corporation, egistered P306 million for the first quarter of 2012.
'The X-Factor Philippines' begins the search for the next singing superstar
The celebrity judge-mentors will soon tour the country together with host KC Concepcion.
Kathryn Bernardo feels like royalty with 'Princess and I' high-ratings
The young actress is thankful to all the viewers who keep the teleserye at the top of the ratings game.
See all articles...

© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers