Sunday, November 22, 2009
Bea Alonzo hopes she will get to do a movie with Robin Padilla
by Bernie Franco | October 30, 2009 10:54 AM | 

Nakarating na pala kay Bea Alonzo ang balitang posibleng magtambal sila ni Robin Padilla sa isang pelikula ng Star Cinema sa susunod na taon. Ayon sa dalaga, isa itong project na matagal na niyang pinapangarap pero ayaw niyang umasa masyado hangga’t wala pang opisyal na alok na naiparating sa kanya. “Wala pang script wala pang plans siyempre ayoko munang umasa hanggang nandyan na,” paliwanag ni Bea.

Nang tanungin siya kung ano ang mararamdaman niya kung natuloy na ang project, sagot ni Bea, “Ay grabe! Talagang antagal na… bata pa lang ako pinapangrap ko na ‘yon so excited. Gusto ko, gustong gusto ko talaga.” Natatawa ring sinabi ni Bea na sana ay maranasan niyang matawag na “ma’am” na siyang tawag ng aktor sa kanyang mga nagiging leading ladies.

Samantala, ang proyektong pinaghahandaan naman ngayon ni Bea ay ang reunion movie nila ni John Lloyd Cruz na sisimulan nilang i-shoot ngayong Nobyembre. Inamin ni Bea na muli siyang nagpapapayat para sa nasabing pelikula. “Kasi kapag wala kang pinaghahandaan masyado talagang kakain ka na naman. Siyempre parang binibigyan mo ng reward ang sarili mo for the hard work you did,” depensa ng aktres. “Ngayon since may goal na naman ako itong movie talagang extra work for me, nagba-badminton kami ng kapatid ko, diet na naman.”

Talagang matatawag na reunion movie ang gagawin nila ni Lloydy dahil bukod sa muli silang pagtatambalin ng aktor na sinusubaybayan ng kanilang mga fans, si Direk Cathy Garcia-Molina ang magdidirek sa kanila, ang director din ng huli nilang pelikula na One More Chance. “’Yung One More Chance kasi hanggang ngayon marami pang nagsasabi sa akin na gusto nila ‘yon. Tumatak sa kanila ‘yon so sana ganun din ‘yung pag-touch namin sa kanila at saka ito kasi ‘yung para sa mga may napagdaanan na tungkol sa love so maka-karelate sila,” ani Bea.

Related Articles and Link

The ABS-CBN
ForumsSend us your feedback


Judy Ann Santos is looking forward to her movie with Sarah Geronimo
Judy Ann Santos hopes her movie project with Sarah Geronimo will push through next year.
‘Super Inggo at ang Super Tropa’ premieres today
ABS-CBN’s first animated series ‘Super Inggo at ang Super Tropa’ features a star-studded voice cast.
ABS-CBN unveils 2010 show line-up
ABS-CBN is set to premiere ‘Tanging Yaman,’ ‘Kung Tayo’y Magkakalayo,’ ‘Kokey,’ ‘Rubi,’ ‘Precious Hearts Romances,’ ‘Gimik 2010,’ and more next year.
See all articles...
 
 
© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers