Thursday, May 17, 2012
Ai-ai delas Alas looks forward to a very exciting birthday this year
by Heidi Anicete | October 31, 2009 12:40 AM | 

Kasabay ng birthday ng Box-Office Comedian na si Ai-ai delas Alas sa November 11 ay ang nationwide na pagpapalabas ng kanyang pinakaaabangang pelikula entitled Ang Tanging Pamilya, kung saan kasama niya ang iba pang bigating stars tulad na lamang nina Dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada, Sam Milby, Toni Gonzaga at ang hot na hot ngayong si Mommy Dionesia Pacquiao. Sa itinagal-tagal niya di umano sa showbiz, unang pagkakataon daw ito na makapagsabay sa loob ng isang araw ang dalawa sa mahahalagang araw ng buhay niya, kaya naman kaugnay nito’y sinabayan na niya ng isang humble birthday wish ang upcoming event. “First time ito na magpapalabas ng birthday ko mismo... Sana super kumita ‘yong pelikula” maikling hiling niya.

At dahil nga kinakikitaan ng namamayagpag na career si Ai-ai sa kasalukuyan, hindi naman niya nagagawang makalimot na magsukli bilang pasasalamat sa lahat ng tinatamasa niyang tagumpay. Bilang bahagi na rin ng kanyang birthday celebration, nahanda rin di umano siya ng isang event-for-a-cause. Paglilinaw nga niya kaugnay ng naturang proyekto, “Bale meron akong poker tournament, celebrity poker tournament sa November 7. This is for the benefit ng foundation ko.”

Sa naturang panayam, maluwag ring nagbahagi ng saloobin si Ai-ai kaugnay ng pagsasama sa pelikulang Mano Po 6 ng mga kaibigan niyang sina Mega Star Sharon Cuneta at Talk Show Queen na si Kris Aquino. Aniya, “Happy ako kasi magkasama sila sa film and magaganda sinasabi nila sa isa’t isa. Masaya ako na yung dalawang BFF ko e BFF na rin.”

Kung sakali naman raw mabibigyan silang 3 ng pagkakataon na magsama-sama sa iisang pelikula, malugod na malugod niya itong tatanggapin. Direktang sagot nga niya, “Why not? Oo naman (tatanggapin ko) anghappy-happy‘non tatlo kami.”

Related Articles

The ABS-CBN
    ForumsSend us your feedbackTFCnow


ABS-CBN’s recurring net income up by 1% for the first quarter
The consolidated net income of ABS-CBN Corporation, egistered P306 million for the first quarter of 2012.
'The X-Factor Philippines' begins the search for the next singing superstar
The celebrity judge-mentors will soon tour the country together with host KC Concepcion.
Kathryn Bernardo feels like royalty with 'Princess and I' high-ratings
The young actress is thankful to all the viewers who keep the teleserye at the top of the ratings game.
See all articles...

© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers