Thursday, May 17, 2012
Angel Locsin admits she and Luis Manzano are not yet okay
by Bernie Franco | November 02, 2009 12:20 AM | 

“Nami-miss ko kung paano kaming dalawa dati pero hindi ko siya nami-miss,” ito ang statement ni Angel Locsin nang tanungin kung nangungulila ba siya sa dating boyfriend na si Luis Manzano. Naging usap-usapan din ang pagkikita ng dalawa sa ASAP para sa opening number ng programa dahil pareho nilang hindi alam na magkikita sila kung kaya’t pareho silang nasorpresa. “Dun lang uli kami nagkita tapos biglaan pa,” paliwanag ni Angel. “Hindi ko alam na kasama sa opening kaya medyo nakakaloka ang reaction ko.” Dagdag pa niya, sa tingin din niya ay nagulat si Luis sa nangyaring pagkikita. “Nagulat naman talaga ako and siya rin naman siguro nagulat, kaya lang mas kaya niyang dalhin ang sarili niya.”

Nilinaw rin ni Angel na kahit na nag-uusap na sila ni Luis ay hindi pa sila one hundred percent okay. “Parang ang weird naman kung palagi pa rin kaming nag-uusap di ba? Nag-break pa kami. Ganun naman talaga ‘pag breakup hindi naman laging, ‘Hello, good morning!” paliwanag ng aktres. “Hindi ko kayang plastikin ang sarili ko parang ang weird na chummy-chummy kami agad.”

Nang tanungin si Angel kung mahal pa ba niya si Luis, ang maiksing sagot niya, “Ayun ‘yung mga tanong na hindi ko kayang sagutin sa ngayon.” Hindi rin nagbigay ng direktang sagot si Luis ng siya rin ang tanungin. Itinanggi rin ni Angel na nakikipag-date na siyang muli. Aniya, hindi siya nagmamadala lalo pa’t kaka-break lang nila Luis.

Sa isang hiwalay na interview, inamin naman ni Luis na hindi nga rin niya matandaan kung nag-holding hands sila ni Angel sa opening number ng ASAP. “Hindi ko nga alam kung nag-holding hands kami. Hindi ko matandaan, I’m not sure,” kuwento ng binata sa hiwalay na interview ng The Buzz kahapon. Tinanong din si Luis kung may nararamdaman pa siya para sa kanyang ex-girlfriend. “No matter what we answer do’n, iba ang magiging pananaw ng ibang tao. Magiging misconstrue ang sagot namin do’n. Siyempre sa mga ganong tanong, sa aming dalawa na lang ‘yon,” anang actor-host.

Related Articles

The
    ABS-CBN
    ForumsSend us your feedback


ANC & TV Patrol first to use Weather Central in the Philippines
ABS-CBN acquires most advanced weather forecasting system.
ABS-CBN’s recurring net income up by 1% for the first quarter
The consolidated net income of ABS-CBN Corporation, egistered P306 million for the first quarter of 2012.
'The X-Factor Philippines' begins the search for the next singing superstar
The celebrity judge-mentors will soon tour the country together with host KC Concepcion.
See all articles...

© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers