Sunday, November 22, 2009
Vina Morales open to doing projects with Robin Padilla
by Dominic Rea | November 03, 2009 8:34 AM | 

Fourteen months to be exact na nawala sa showbiz si Vina Morales. Nabuntis kay Cedric Lee na ngayon ay Ama na ng anak nilang anim na buwang si Ceana Lee. "Mula nung dumating si Ceana sa akin, parang sa anak ko na umiikot ang mundo ko.Yung feeling na, parang ayokong nawawala siya sa paningin ko. Kasi, hands-on ako kay Ceana. Siya 'yung reliever ko. Si Ceana 'yung inspirasyon ko ngayon sa lahat ng ginagawa ko, of course nandiyan din naman ang buong family ko na always naman talaga rin silang nandiyan for me. Ibang-iba na 'yung feeling ko siguro dahil sa Mommy na nga ako at hindi na ako 'yung dalaga pa na walang responsibilities unlike ngayon na mula sa kanyang damit, pagpapaligo sa kanya, 'yung milk niya, grabe, mas nagkaroon kumbaga ng kulay ngayon ang buhay ko. Unlike before na okay-okay lang, 'di ba. Now, it's so different," mahabang tugon pa sa ABS-CBN.com ni Vina Morales.

Hindi maiwasang tanungin si Vina patungkol sa mga nasusulat ngayong kesyo hiwalay na rin daw sila ni Cedric at hindi na rin sila nagsasama sa iisang bahay. Ngunit nakiusap aang sikat na aktres-singer na huwag na lamang itong pag-usapan. "Naku, hindi ko na talaga iniisip 'yun! Basta ang alam ko, nandiyan ang anak ko, masaya na ako sa kanya. May mga naging problema noon pero wala namang dumating pa sa buhay ko na problemang sobrang bigat na nahirapan talaga ako, so far wala naman. Yung sa amin ni Cedric, kung mayroon man, siguro, sa amin na lang 'yung dalawa. It's too personal na rin at huwag na lang nating pag-usapan," tugon nito sa amin.

Ano naman ang kanyang panig o reaksiyon bilang nakakatandang kapatid ni Shaina Magdayao hinggil sa isyung hiwalay na raw ito sa kasintahang si John Prats? How true? "May ganoong isyu? Actually, narinig ko nga eh. But to tell you honestly guys, they're still together. Yun ang alam ko. Yang mga ganyang isyu naman sa magkasinatahan ay normal lang. Siguro, konting love quarrels lang na naaayos naman nilang dalawa. Dyusko, ako man, eh, dumaan na rin sa ganyang stage at alam n'yo 'yan dahil kasabwat kayo noon, hindi ba? Hahaha!" bungisngis pa nitong depensa sa amin.

Nakarating na rin daw sa kanyang kaalamang bumalik na sa Kapamilya Network si Robin Padilla. Ganoon din ang pelikulang gagawin diumano ni Robin sa bakuran ng Star Cinema. Papano naman haharapin ni Vina ang usap-usapang plantsado na rin daw ang pelikulang pagbabalik-tambalan nila? "Hahaha! Hindi ko alam na mayroong ganyang tsika. Kung mayroon mang offer or if ever man na may gagawin kaming movie together, bakit naman hindi. 'Di ba? Sino ba naman ako na aayaw makasama at maka-trabaho ulit si Binoy?" sagot ni Vina. Nakahanda rin ba siyang tanggapin ang mga halik muli ni Robin sa kanya kung sakaling may kissing scenes sila sa pelikula? "Ano ba 'yun! Hahaha! Ah...pwede bang maglagay ako ng masking tape Hahaha! Biro lang. If ever, basta't maganda 'yung project, wala namang problema sa akin. Ako naman ay walang pinipili, huwag lang akong pagpaseksehin this time dahil jusko, maawa naman kayo," natatawang sagot ni Vina.

Active muli si Vina sa kanyang lingguhang hosting job sa ASAP'09 at kasama rin siya sa nalalapit nitong Star Magic World Tour Concert--Live in Manila ngayong November 13 na sa Araneta Coliseum.

Related Articles and Links

The ABS-CBN
    ForumsSend us your feedbackSend us your feedback


Judy Ann Santos is looking forward to her movie with Sarah Geronimo
Judy Ann Santos hopes her movie project with Sarah Geronimo will push through next year.
‘Super Inggo at ang Super Tropa’ premieres today
ABS-CBN’s first animated series ‘Super Inggo at ang Super Tropa’ features a star-studded voice cast.
ABS-CBN unveils 2010 show line-up
ABS-CBN is set to premiere ‘Tanging Yaman,’ ‘Kung Tayo’y Magkakalayo,’ ‘Kokey,’ ‘Rubi,’ ‘Precious Hearts Romances,’ ‘Gimik 2010,’ and more next year.
See all articles...
 
 
© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers