Sunday, November 22, 2009
Ruffa Gutierrez says she’s genuinely happy for Zoren Legaspi and Carmina Villaroel
by Julie Bonifacio | November 03, 2009 8:49 AM | 

Inabutan namin si Ruffa Gutierrez during dinner break sa set ng Shake, Rattle & Roll XI na official entry ng Regal Films para 2009 Metro Manila Film Festival. Excited si Ruffa about this project dahil pagkatapos ng maraming taon ay magtatambal silang muli ng ex-boyfriend niya na si Zoren Legaspi sa “Ukay-Ukay” episode ng SRRXI. “Actually, last year ko pa ito hinihingi kay Mother (Lily Monteverde). Kasi masyado akong nagandahan sa trailer ng ‘Silent Night’ last year. Sabi ko, ‘Mother, next year isali mo naman ako sa Shake.’ Hindi nila alam na I would be interested to do horror movies. So, early this year nag-usap kami ni Roselle (Monteverde, daughter of Mother Lily). Nu’ng sinabi niya na, ‘O, interesado ka pa ba na gawin ’yung Shake?’ ‘Yeah, why not? Oo, basta maganda ‘yung istorya.’ So, nu’ng inoffer sa akin ito, tuwang-tuwa ako. Kasi this is my second Shake, Rattle and Roll. The first time I did Shake siguro mga 90s ‘yun. Hindi ko na maalala, eh. Mga first four siguro ‘yung ginawa kong Shake,” lahad ni Ruffa.

Ang SRRXII ang ikatlong pelikula ni Ruffa for the past three years sa MMFF at masaya naman ang aktres sa achievement niyang ito. “Oo, nga two years may Desperadas ako. Ngayon naman nagshi-Shake, Rattle and Roll ako. So, sana maging suki na ako ng MMFF every year. I always enjoy being on the float tuwing December 24. Simula nu’ng bumalik ako sa Pilipinas. Kumbaga, naging kaugalian ko na every December 24 nasa -float ako.”

Ano’ng feeling na katambal niya muli ang ex-boyfriend niya na si Zoren sa SRRXI? “Nakakatuwa siyempre dahil ang tagal din, ha. ‘Tsaka hindi nagbago si Zoren. He’s still the same,” natutuwang sabi ni Ruffa. Masaya ba siya kay Zoren sa piling ni Carmina Villaroel at sa kambal na anak nila? “Oo naman. I’m very happy for him. .Walang kaplastikan ‘yan. I believe kasi you can always be happy to another person kapag maganda ang pamilya nila if you yourself are happy. And I can say now that I’m single and happy. Hindi naman ako depressed or kailangan ng lalaki sa buhay ko para maging inspired ako, para maging happy ako. So, masasabi ko na swerte talaga si Zoren kay Camrina at sa kambal. Swerte sila lahat sa isa’t isa kasi ang ganda ng nangyari sa career nila at saka sa buhay nila.” Sabi ni Zoren kung sila raw ang nagkatuluyan, sinisigurado niya na sila pa tin at hindi maghihiwalay? “Well, nakakaaliw naman for Zoren to say that. Siyempre nakakataba ng puso. Si Zoren naman kung anuman ‘yung naramdaman namin before that was very sincere at naging totoo siya sa akin. Masasabi ko naman kay Carmina, talagang napaka-loyal na tao niya. Ang sweet niya dahil napunta sa kanya si Zoren na hindi lang napaka-sipag sa trabaho kundi wala ka’ng problema sa bisyo, wala ka’ng problema sa babae. Siguro ang naging prolema namin nu’ng time na ‘yun, masyado lang kaming mga bata. Siyempre 16 hanggang 20, ganu’n.

How true na wala raw silang closure noon ni Zoren? “Wala, bigla na lang nagkalayo kami. Mula nu’ng naging busy na ako sa career ko. Syempre naging isang malaking factor din ‘yun.” Hindi na raw niya binalikan si Zoren pagkatapos sumali sa Miss World noon? “Well, I remember nu’ng time na ‘yun, mga two years had passed, na-miss ko siya dahil sabi ko bihira talaga makahanap ng katulad ni Zoren, na makaluma. Ako kasi, makaluma ako, e. Kapag nagmahal ako gusto ko conservative, you know. I protect my family. And that’s also one thing that’s why I fell in love with Yilmaz kasi he’s very protective sa kanyang family. Mga values niya are very conservative. So, isa ‘yun sa mga nagustuhan ko. Lalaking-lalaki ang dating. Gusto ko ‘yung mga, ang mga babae talagang pinu-protektahan. Ah, siguro nung time na yun nawili na rin ako sa career ko and then siya nakahanap na rin siya ng girlfriend.” Pero biglang naalala ni Ruffa na nagkaroon naman daw ng closure ang kanyang relationship with Zoren. “Teka! Naalala ko, may closure kami, ha! Isinauli ko lahat ng mga albums niya. Hindi kami nag-uusap pero pinadala ko sa bahay niya mga albums namin. Break na tayo, parang gan’un. Tapos nag-away na lang kami. Hanggang nabalitaan ko meron na siyang iba. Si Claudine (Trillo) ‘yun. They lasted din naman four years ‘di ba?”

Samantala, nagpa-register na si Ruffa kasama ang kasamahang host sa The Buzz na si Kris Aquino sa Makati last week. Kasabay din daw nilang nagpa-register ang mga kapatid ni Ruffa na sina Richard at Raymond Gutierrez. Plus, ang iba pa’ng mga kaibigan ni Raymond. Ibig ba’ng sabihin nito ay iboboto rin nila ang kapatid ni Kris na si Senator Benigno ‘Noynoy’ Aquino III for President sa 2010 election? “Ah, ako I’m going for Noynoy. I’ve already told Kris that I’m supporting him. ‘Yung kambal, hindi ko pa sila natatanong, eh. This is their first time to vote, eh. So, siyempre siguro kailangang kilalanin muna nila ‘yung mga candidate. Hindi naman sila really keen sa politics. So, before they vote it will take them a few months para talaga pag-aralan kung sino ang tatakbo, kung sino ang gusto nila. Syempre first time nila, so for them it’s big deal. Ako, I’ve been a voter since 1992. So, sanay na ako’ng bumoto sa talagang gusto ko.”

Magkakawatak-watak daw ang boto ng pamilya Gutierrez sa 2010 election? Hindi kasi lingid sa showbiz na close ang parents ni Ruffa na sina Anabelle Rama at Eddie Gutierrez sa dating Pangulo na si Joseph ‘Erap’ Estrada. “Oo, ako rin naman. I’m close to President Erap. I’m close to Kris. I’ve met Noynoy once. Uhm, si Erap siyempre talagang malapit kami. But siyempre politics and friendship we have to put everything aside. So, we’ll see what will happen. Matagal pa naman ang eleksyon. Anything can happen.”

Related Link and Articles

The ABS-CBN
    ForumsSend us your feedbackSend us your feedback


Judy Ann Santos is looking forward to her movie with Sarah Geronimo
Judy Ann Santos hopes her movie project with Sarah Geronimo will push through next year.
‘Super Inggo at ang Super Tropa’ premieres today
ABS-CBN’s first animated series ‘Super Inggo at ang Super Tropa’ features a star-studded voice cast.
ABS-CBN unveils 2010 show line-up
ABS-CBN is set to premiere ‘Tanging Yaman,’ ‘Kung Tayo’y Magkakalayo,’ ‘Kokey,’ ‘Rubi,’ ‘Precious Hearts Romances,’ ‘Gimik 2010,’ and more next year.
See all articles...
 
 
© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers