Saturday, November 21, 2009
Rachelle Ann Go and Gab Valenciano snub each other
by Mj Felipe | November 08, 2009 2:39 AM | 

Parehong umattend ng Araneta Christmas Tree Lighting Event sa Cubao sina Rachelle Ann Go at Gabriel Valenciano. Masaya ang mood ng mga celebrities at spectators sa naturang event pero ramdam mo rin ang tension sa pagitan ng mag-ex-lovers. Magkahiwalay ang production numbers ng dalawa. Unang sumalang si Rachelle na kumanta ng "Let The Pain Remain." Feel na feel ni Rachelle ang pagkanta at tinukso pa nga siya ng mga hosts na sina Anne Curtis, Nikki Gil, at Melissa Ricks. Paliwanag ni Rachelle, "Kailangan lang talaga feel na feel mo yung kanta. Ganoon lang naman yun!"

Pinakuwento muna namin kay Gab ang eksenang isnaban nilang dalawa. Pagkababa ni Rachelle ng stage, nag-aabang na si Gab sa hagdanan dahil siya na ang susunod na magpeperform. Pero ni tingin, ni "hi" o "hello" e walang nakita ang mga tao. Nakakatense lang kasi halos lahat ng mga tao ay nakatingin at naka-abang sa magaganap na kamustahan ng dalawa. Pero sorry na lang, dahil nagdeadmahan pa rin sila. Pati sa kanilang dressing room, malayong magkatapat nga silang dalawa, pero hindi nagkakasalubong ang kanilang mga tinginan.

Nagpaliwanag si Gab at sinabing, "Yeah, hindi nga kami nagpansinan. Pero ganon lang talaga siguro. Mas matagal mag-heal ang mga wounds ng mga babae, so I’m just here." Dagdag pa niya, "I miss her." Tinanong pa nga namin kung may dine-date ba siyang bago, pero naging maiksi at malaman ang kanyang sagot at sinabing, "Nope, I'm not seeing anyone right now. The next girl I want to date is Rachelle Ann Go." Patibay lang ito na willing siyang maghintay kay Rachelle Ann.

Sa hiwalay na interview naman namin kay Rachelle, kinunan namin ito ng reaksyon sa naging pahayag ni Gab na namimiss siya nito. "Namimiss ko rin naman yung mga magagandang memories namin." maiksing sagot ng singer. Hindi pa raw siya handang magkaroon ng panibagong love life pero aminado siya na unti-unti na siyang nagmo-move on. Hindi rin niya masagot sa ngayon kung patutuluyan pa ba niya ulit sa kanyang puso si Gab kung sakaling kumatok muli ito. Mas focused na lang daw muna siya ngayon sa kanyang trabaho, sa kanyang pamilya at sa palapit na pasko.

Related Links and Articles

The
    ABS-CBN
    ForumsSend us your feedbackTFCnow


Judy Ann Santos says husband Ryan Agoncillo is not transferring TV networks
The new generation Superstar explains that her husband Ryan Agoncillo has no exclusive contract with any TV station.
Albert Martinez: ‘Yung pagpanaw ni Johnny Delgado is not good for my wife, emotionally.’
Albert Martinez says that his family is keeping optimistic that his wife Liezl will triumph over cancer.
EXCLUSIVE: ABS-CBN.com delivers the inside stories of the Kapamilya trade event in Subic
ABS-CBN.com gets the scoop about Judy Ann Santos and Piolo Pascual’s brief reunion, Diether Ocampo’s chopper ride, and Angelica Panganiban’s tearful interview.
See all articles...
 
 
© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers