Anne Curtis is okay with Kim Chiu being Kris Aquino’s choice for a biopic |
| by Mj Felipe | November 08, 2009 2:44 AM | |
Maaga pa lang pero mainit nang pinag-uusapan ngayon ang nalalapit na pagbuo ng cast ng biopic ng buhay ni ex-President Cory Aquino. Kinuwento ni Kris Aquino sa isang presscon nitong linggo na isa-isa na nga raw namili ang magkakapatid na babae ni Kris ng mga gusto nilang gumanap sa kanilang mga roles. At ang napipisil nga ni Kris ay si Kim Chiu dahil chinita. Pero biniro si Kris ng ilang miyembro ng press na hindi bagay si Kim sa role dahil magkaiba sila ng personalidad. Ang bagay daw sa role na batang Kris ay si Anne Curtis.
Sa ginanap na Araneta Christmas Tree Lighting event sa Cubao nakorner namin si Anne Curtis at hiningan namin ito ng reaksyon tungkol sa pagpili ni Kris kay Kim para magportray ng younger version nito. "Actually I felt so flattered kasi yung mga press daw biniro daw si Ate Kris na mas bagay daw na ako yung magplay na younger Kris. Kasi pareho daw kami ng personality." paliwanag ni Anne. Pero inamin ni Anne hindi naman siya na-hurt o nagtampo siya sa pagpili ni Kris kay Kim.
Nilinaw din ni Anne ang intrigang nag-iwasan daw sila ni Sam (Milby) sa station ID shoot ng ABS-CBN. "Hindi. Magkahiwalay kaming magtaping ni Sam. Kasi itong si Vhong (Navarro) binibiro ako na kaya daw ayaw kong tumabi sa kanya kasi nasa likod niya si Sam. Pero ang totoo, magkahiwalay kami ng araw ng taping," maiksing paliwanag ng aktres.
Masayang-masaya naman si Anne sa naging resulta ng kanilang Shop and Share project ni Angel Locsin. Marami na raw silang nakuhang pondo na kanilang iaabot sa Red Cross para sa mga relief operations nito. Pati nga raw si Sam ay nagbigay ng kanyang gitara at ilang mga damit pa. "Marami pa siyang gustong ibigay so abangan na lang ng mga fans yung ipapa-auction naming mga gamit niya. Pati yung damit na ginamit ko sa Maging Sino Kung Man, kung saan sinabi ni Celine yung linyang ‘I'm the best slut in town’ ipapauction din namin. Maliit lang naman ang starting price, kaya lang tumataas dahil sa mga nag-bi-bid." paliwanag ni Anne.
Related Articles and Link


