Angelica Panganiban admits Derek Ramsay is the center of her happiness |
| by Bernie Franco | November 08, 2009 11:53 PM | |

Kung last year ay isang sasakyang Mini Cooper ang regalo ni Derek Ramsay sa girlfriend nitong si Angelica Panganiban sa kanyang birthday, isa namang mamahaling Hermes bag ang iniregalo ng aktor sa aktres for this year. Sa The Buzz kahapon, sinabi ni Angelica na sa puntong ito ngayon ng kanyang buhay ay wala na siyang mahihiling pa.
“Nasabi ko kasi sa sunud-sunod na blessings na natatangap ko, dumating ako sa point na hindi ko akalain na ‘pag magpi-pray ako, puwede ko palang sabihin na, ‘Lord okay na ako. ‘Yung iba naman po,” sambit ng dalaga. “Sobrang umaapaw lang na happiness ang nararamdaman ko. Sobrang masaya po. Di ko akalain.
Inamin ni Angelica na dumating na siya dati sa punto na tila pasan na niya ang mundo at tila ay maraming hinaing sa buhay. Kung kaya’t habang nagkukuwento sa The Buzz kahapon ay naging emosyonal siya dahil sa kasalukuyan, napakaraming magagandang bagay ang nangyayari sa kanyang buhay.
Sobrang proud ding sinabi ni Angelica na si Derek ngayon ang kanyang center of happiness dahil maraming itinurong magagandang bagay sa kanya ang aktor upang maging dumating siya sa punto na maging masaya sa kanyang buhay. “Siguro sa paningin ng iba nakaka-off at hindi maganda. Pero ‘yun ‘yung pinaramdam niya sa akin. ‘Yung mas mahalin ang sarili ko para matuto akong magmahal ng iba and nung ginawa ko po ‘yon, nung binukasan ko ‘yung isip ko, ‘yung puso ko, tuluy-tuloy po ‘yung kasiyahan ‘yung happiness na nararamdan ko. ‘Yung pagmamahal ng ibang tao na naa-appreciate ko dahil mahal ko ang sarili ko.”
Related Links and Articles


