Thursday, May 17, 2012
Vhong Navarro says It’s Showtime is not competing with Wowowee
by Chan Chan Torres | November 10, 2009 8:44 AM | 

Masaya si Vhong Navarro sa feedback natatanggap nila sa pinakabagong show nilang It’s Showtime (11:30 ng umaga, kapalit ito ng PGKNB?) kung saan siya ang first choice ng management to host this said variety show. Dinalaw mismo ng ABS-CBN.com si Vhong sa studio ng nasabing programa para malinawan na rin ang ilang issues regarding him, na  kesyo tinatapatan daw niya ang show ni Willie Revillame?  Nilinaw ni Vhong, “Hindi totoo ang intrigang ‘yan huh? Magkaiba ang format at konsepto ng It’s Showtime sa Wowowee. ‘Yung sa amin, ang ipinapakita ay ang iba’t ibang talento at kahit ano lang basta’t ma-entertain  kami, ang mga hurado at  ang audience, masaya na.” Kapansin-pansin kasi na halos parehong may opening number at game portions ang dalawang shows although magkaiba pala talaga ang konsepto.  So, hindi totoong ginaya nila ang Wowowee? “Hindi, huh?!  Magkaiba talaga ang dalawang shows, sa istilo pa lang ang konsepto. Dito (It’s Showtime), iba’t ibang grupo ang maglalaban-laban, tapos magbibigay ng score ang mga hurado.”

Pagkatapos ng Betty La Fea, inamin ni Vhong, ayaw niyang mabakante ng matagal, that‘s why he tried to venture into hosting this kind of show na iba naman sa usual niyang ginagawa. “Dito mo rin makikita kasi ang kakaibang galing ng pinoy, ‘yung creativity nila, kung paano ka nila mai-entertain.”  sabi pa ni Vhong sa ABS-CBN.com, at ang mga contestants pa ng It’s Showtime ay hindi lang mula sa Luzon kundi  galing pa sa iba’t ibang sulok ng bansa.

Mukhang busy talaga si Vhong lalo pa’t ngayong holiday season na. Pero kamusta naman siya? Tahimik ang lovelife niya , it seems after his much talked about romance with Bianca Lapuz and Desiree del Valle. “Oo nga, okay naman ako ngayon.  Wala akong  girlfriend pero may dini-date ako. Non-showbiz girl siya,” sabi pa ni Vhong. Hindi na ba gusto ni Vhong ang ma-link ngayon sa mga babaeng taga-showbiz kung kaya’t mas pinili niyang wala sa kanyang mundo ang babaeng muli niyang mamahalin kung sakali? “Ahh, hindi naman. Nagkataon lang. Hindi mo naman masasabi ‘yun, di ba? Kung sino ‘yung dumating, kung sino ang mamahalin mo.”

Related Link and Articles

The ABS-CBN
ForumsSend us your feedbackSend us your feedback


ANC & TV Patrol first to use Weather Central in the Philippines
ABS-CBN acquires most advanced weather forecasting system.
ABS-CBN’s recurring net income up by 1% for the first quarter
The consolidated net income of ABS-CBN Corporation, egistered P306 million for the first quarter of 2012.
'The X-Factor Philippines' begins the search for the next singing superstar
The celebrity judge-mentors will soon tour the country together with host KC Concepcion.
See all articles...

© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers