Kris Aquino elaborates on being a match-maker to Ruffa Gutierrez |
| by Julie Bonifacio | November 10, 2009 1:00 PM | |
Dahil sa on air na pagrereto ni Kris Aquino sa The Buzz a few weeks back ng isang biyudong lalaki sa kanyang co-host na si Ruffa Gutierrez ay naungkat din ito ng makausap ni Kris ang press sa launching ng kanyang bagong produktong iniindorso.
Next year na lang daw niya irereto ang host-actress dahil kamamatay lang ng asawa ng biyudo last August. Ang tinutukoy pala ni Kris ay ang anak ni Makati Mayor Jejomar Binay na si Jun-Jun. “Pagbabang-luksa na. Nabiyudo lang siyanung August. And then, sinabi ko kay Ruffa na tutal, residente ka na rin lang ng Makati , eh di i-entertain mo na rin. Pero pag naka-one year na. Ang pangit naman kung ipa-date na natin sila,” lahad ni Kris.
Next year na raw ito at marami pa’ng pwedeng mabago. Tinext din daw niya si Junjun and he was a good sport about it. “Sabi ko, ‘Pasensya ka na, ha. Na-bring up ka sa The Buzz.’ Tapos sinabi niya, ‘I know because my sister kept on laughing about it and tinutukso ako. Nu’ng umiikot na raw siya tinutukso siya everywhere kay Ruffa. Eh, at least ‘yung ano lang, he’s biyudo. He’s not married and ano, he’s a good father sa lahat ng anak niya na nakita ko,” tapos ni Kris.
Related Links and Articles



